McCoy ipinalit: Kokoy de Santos inayawan na ni Joed Serrano

Tuloy na tuloy na pala ang pagsasapelikula ng life story ni Joed Serrano.

The post McCoy ipinalit: Kokoy de Santos inayawan na ni Joed Serrano first appeared on Abante.

mccoy ipinalit kokoy de santos inayawan na ni joed serrano - McCoy ipinalit: Kokoy de Santos inayawan na ni Joed Serrano
McCoy de Leon - McCoy ipinalit: Kokoy de Santos inayawan na ni Joed Serrano

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - McCoy ipinalit: Kokoy de Santos inayawan na ni Joed SerranoTuloy na tuloy na pala ang pagsasapelikula ng life story ni Joed Serrano.

Si Wendell Ramos ang kinukuha niyang gumanap bilang siya at ang gaganap ng role ng Nathan na nakarelasyon niya ay si McCoy de Leon na raw.

Actually, nakikipag-usap na raw siya kay Veronique del Rosario ng Viva Artists Agency tungkol doon.

Noong una, gusto sana ni Joed na si Kokoy de Santos ang kunin para gumanap na Nathan sa life story niya, pero hindi na niya itinuloy ‘yon.

Ang bongga nga sana dahil one million pesos (P1,000,000.00) ang talent fee na ibibigay sana niya sa isa sa mga bida ng BL (boys’ love) series na Gameboys, huh!

Pero may “nangyari” na dahilan kaya hindi na niya itinuloy ang pagkuha kay Kokoy.

Pati ‘yung endorsement na ibibigay sana niya kay Kokoy kung saan babayaran ito ng business partner niya ng one million five hundred thousand pesos (P1,500,000.00) ay hindi na rin niya itutuloy.

Ang nakakaloka nga, hindi na pinapanood ni Joed ang Gameboys nina Kokoy at Elijah Santos, huh!

Hindi nga niya alam na delayed ang finale ng BL series na ‘yon dahil akala pala niya ay hanggang episode 10 lang ‘yon.

Hmph! Talagang kinalimutan kaagad ni Joed si Kokoy kahit naging super favorite niya ito dahil sa character nitong si Gavreel sa Gameboys?

Well…

Anyway, ‘yung life story raw niya ay malamang daw na gawing series at ipalabas muna sa YouTube at balak din daw nilang ilapit sa isang streaming app.

Maganda raw ang istorya ng buhay ni Joed na sisimulan sa series nang makilala niya si Nathan na waiter noon sa isang restaurant sa may Quezon City.

Bale “tell all” ang ipo-produce niyang series at wala siyang ililihim.

Pero hindi naman daw puro sex lang ang series na ‘yon dahil tatalakayin din noon ang maraming lessons in life na natutunan niya hanggang maging Christian na siya.

Oo nga pala, balak din ni Joed na ituloy na ang pagpo-produce ng “Anak ng Macho Dancer” at magpapa-audition daw siya ng puwedeng magbida doon.

Sa ngayon ay solo raw siya bilang producer, pero may isang businessman na gustong makisosyo sa kanya.

Moira, Ice US concert sa 09-18-21 na mapapanood

Heto ang announcement ni Amor Yu, ang producer ng Braver Los Angeles, California concert ni Moira (with special guest Ice Seguerra).

“In compliance with the Los Angeles’ emergency safety precautions due to COVID-19 pandemic, Our BRAVER Moira + Ice concert have been moved to next year September 18, 2021. Same time, venue and ticket.

“After finalizing the arrangements with the artists and the venue, we are formally announcing the reschedule. Please see the poster for more details.”

Dapat ay noong March pa sana ang concert na ‘yon at nasa L.A. na sina Moira at Ice galing sa ibang lugar sa Amerika kung saan sila nakapag-show na, pero dahil nga sa pandemic, nakansela ‘yon.

Some weeks back ay nag-announce na September 26, 2020 ang new schedule no’n, pero imposible pa nga, kaya next year na raw talaga.

Hinihintay naman ang announcement ng ibang concert tours sa Amerika na magre-reschedule next year.

The post McCoy ipinalit: Kokoy de Santos inayawan na ni Joed Serrano first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *