McCoy de Leon nalampasan ang depresyon

Talent na nga ng Viva Artist Agency si McCoy de Leon. Umamin nga si McCoy na dahil sa nangyaring pagsasara ng ABS-CBN, at pandemya, binalak niyang magpahinga na rin muna sa showbiz, at ipagpatuloy ang pag-aaral.

The post McCoy de Leon nalampasan ang depresyon first appeared on Abante.

mccoy de leon nalampasan ang depresyon - McCoy de Leon nalampasan ang depresyon
mccoy - McCoy de Leon nalampasan ang depresyon

Talent na nga ng Viva Artist Agency si McCoy de Leon.

Umamin nga si McCoy na dahil sa nangyaring pagsasara ng ABS-CBN, at pandemya, binalak niyang magpahinga na rin muna sa showbiz, at ipagpatuloy ang pag-aaral.

Katunayan, naka-enroll siya ngayon sa Mapua, at plano talaga niyang tapusin ang edukasyon. Pero, dahil sa magandang alok ng Viva, nagbago ang plano niya. Kaya naman daw niyang pagsabayin ang showbiz at edukasyon, lalo na at online ngayon.

“Sino ba ang tatanggi sa ganitong opportunity. Thankful ako na may offer akong ganito,” sabi niya.

Umamin din si McCoy na dahil sa pandemya, pagsasara ng Dos, nakaranas siya ng depresyon.

“Challenge sa akin ang sariling pag-iisip. Lahat ng tao nakasanayan na may ginagawa. May time na sabi ko, ano ba ang gagawin ko, ganito na lang ba ako? Parang kalaban ko na ang utak ko.

“Masaya naman ako kapag naglalaro ako. Pero, isang taon ba akong ganito, na kakain, lalaro, tulog.

“May slight na depression, may ganun akong point. Kasi ako ang tao na kapag may problema ako, sarili ko lang, na kapag isi-share ko sa sarili ko, eh, solve na.

“Hanggng dumating sa point na gusto kong mangarap ulit, mag-ipon, may gawin ulit.

“Yung depression, sige magiging honest ako, pero naramdaman ko `yon, siyempre noong sa ABS, ano na ang mangyayari sa akin? Ano mangyayari sa family ko? Paano ko mapag-aaral ang mga kapatid ko. May dalawa pa akong kapatid na baby pa, na paaral pa lang.

“Nasanay na ako na ako ang bahala. Ayoko na bumalik sa dati na ang magulang ko na naman ang magwo-work. Gusto ko kumportable na sila.

“Pero ngayon, okey na ako. Slight lang naman ang tumama na lungkot,” pahayag ni McCoy. (Dondon Sermino)

The post McCoy de Leon nalampasan ang depresyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *