Mayweather papuputiin ni Belo

Palaisipan sa amin ang pagkuha ng Belo Medical Group kay Floyd Mayweather, Jr. bilang endorser nila. Isang sportsman at malayo sa imahen ni Floyd ang mag-endorse ng isang clinic gaya ng Belo Medical Group. Ano kaya ang basehan ng pagkuha nila sa boksingero?

The post Mayweather papuputiin ni Belo appeared first on Abante News Online.

mayweather papuputiin ni belo - Mayweather papuputiin ni Belo
belo floyd - Mayweather papuputiin ni Belo

abante talbog joe barrameda 336x224 - Mayweather papuputiin ni BeloPalaisipan sa amin ang pagkuha ng Belo Medical Group kay Floyd Mayweather, Jr. bilang endorser nila. Isang sportsman at malayo sa imahen ni Floyd ang mag-endorse ng isang clinic gaya ng Belo Medical Group. Ano kaya ang basehan ng pagkuha nila sa boksingero?

Baka challenge kay Dra. Vicki Belo na pagandahin at pakinisin ang complexion ni Floyd na pinaghintay ng lagpas 8 hours ang mga press sa Resorts World kahapon. Kaya kayang paputiin ni Dra. Belo ang complexion ng boksingero na katulad ng kay Michael Jackson?

Andrea kaelya-elya ang eksena kay Derek

Festive ang mood sa GMA compound nang sinalubong nila si Derek Ramsay na isa na ngang Kapuso ngayon.

Pitong buwan palang hindi nagtrabaho si Derek bilang artista at hinarap niya ang paglalaro ng golf. In fact, sumali raw sila ni John Estrada na golf buddy niya sa isang competition sa Cleveland, Ohio.

Matagal palang pinag-isipan ni Derek ang offer ng GMA-7 bago niya ito tinanggap. Marami daw siyang pinagtanungan o hiningan ng advise sa pagpasok sa Kapuso network at lahat naman daw ay positive ang sagot. Maski ang mga magulang niya na hindi naman niya hiningan ng payo tungkol dito ay sinabihan siya na ituloy ang pag­lipat sa GMA-7.

Agad siyang magsisimula ng isang teleserye opposite Andrea Torres na ang title ay “Better Woman” na tungkol daw sa love and lust at bagay naman silang dalawang being macho at sexy under Neal del Rosario bilang director nila.

‘Sahaya’ nakakaadik

Laging trending ngayon ang “Sahaya” sa dami ng nahu-hook up dito gabi-gabi. Maganda kasi ang story at production va­lues. Nakaka-relate ang mga Pinoy kaya mada­ming tweet tungkol dito. Nabibigyan pa ng justice ang mga character gaya nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at My­lene Dizon, huh. Ganu’n din si Snooky Serna na kontrabida ang role dito.

Masasabi namin na isa na namang masterpiece ito na sinulat ni Suzette Doctolero for GMA-7.

The post Mayweather papuputiin ni Belo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *