MayWard humamig ng mga award sa RTU

Nagwagi ang ABS-CBN sa ika-limang Students Choice Mass Media Awards ng Eastern Visayas State University-Ormoc City Campus (EVSU-OCC) at humakot ng 11 sa 15 na total na tropeo kamakailan lang. Nanalo rin ang Kapamilya network bilang Academe’s Choice Media Network of the Year at lima pang mga para­ngal sa kauna-unahang Kidlat Sinaya Awards ng Rizal Technological University (RTU).

The post MayWard humamig ng mga award sa RTU appeared first on Abante News Online.

mayward humamig ng mga award sa rtu - MayWard humamig ng mga award sa RTU
mayward 3 - MayWard humamig ng mga award sa RTU

Nagwagi ang ABS-CBN sa ika-limang Students Choice Mass Media Awards ng Eastern Visayas State University-Ormoc City Campus (EVSU-OCC) at humakot ng 11 sa 15 na total na tropeo kamakailan lang. Nanalo rin ang Kapamilya network bilang Academe’s Choice Media Network of the Year at lima pang mga para­ngal sa kauna-unahang Kidlat Sinaya Awards ng Rizal Technological University (RTU).

Nanguna sa mga pinarangalan sa EVSU-OCC ang “TV Patrol” (Most Trusted News TV Program), Noli De Castro (Most Trusted Male Newscaster). Most Trusted TV Male Field Reporter si Jeff Canoy ng ABS-CBN News, Best TV Morning Show ang “Umagang Kay Ganda” at Best Medical TV Program ang “Salamat Dok.”

Best TV Variety Show ang “It’s Showtime” habang ang “Banana Sundae” ang itinanghal na Best TV Comedy Show. Humamig din ng tropeong Best TV Comedian si Vice Ganda.

Wagi din ang “Maalaala Mo Kaya” (Best Drama Anthology Series), “The General’s Daughter” (Best Primetime TV Series), at “Kadenang Ginto” (Best Daytime TV Series).

Sa RTU naman, kinilala sina Maymay Entrata at Edward Barber, o MayWard, bilang People and Academe’s Choice Female and Male Celebrity Endorsers of the Year, at itinuring din silang People and Academe’s Choice Loveteam of the Year.

Binibigyang-parangal ng EVSU-OCC Students’ Choice Mass Media Awards ang galing ng mga programa at personalidad na pinili ng mga mag-aaral at propesor nito, habang ang RTU Kidlat Sinaya Awards naman ay nagbibigay-parangal sa mga magagaling na celebrity endorser sa lara­ngan ng advertising.

The post MayWard humamig ng mga award sa RTU appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *