Mayor Isko umeksena sa pelikula ng anak na si Joaquin

Rollerblade, skateboard bawal na sa public monument — Isko

Mabuti na lang at busy si Mayor Isko Moreno sa pag-aasikaso ng Manila dahil kahit potential stage father siya sa nag-aartistang anak na si Joaquin Domagoso ay imposibleng magawa niya ‘yon.

mayor isko umeksena sa pelikula ng anak na si joaquin - Mayor Isko umeksena sa pelikula ng anak na si Joaquin
isko 19 - Mayor Isko umeksena sa pelikula ng anak na si Joaquin

Jun Lalin Anything Goes 7 336x224 - Mayor Isko umeksena sa pelikula ng anak na si JoaquinMabuti na lang at busy si Mayor Isko Moreno sa pag-aasikaso ng Manila dahil kahit potential stage father siya sa nag-aartistang anak na si Joaquin Domagoso ay imposibleng magawa niya ‘yon.

Sa shooting ng “Jolly Spirit Squad” kung saan ay introducing si Joaquin ay may special guest role si Mayor Isko as himself at nakaeksena niya ang pangatlong anak at ilang teenage cast ng pelikula, at bago kunan ang eksenang ay inayos pa raw ng actor/politician ang damit ng anak.

Pati buhok ni Joaquin, ‘pinakialaman’ ni Mayor Isko, pero natural lang naman daw ‘yon dahil supportive and proud father siya at hindi naman daw sa nagpapaka-stage father, huh!

Sobrang happy nga raw ni Joaquin dahil pumayag ang kanyang tatay na mag-guest sa kanyang first movie.

Pero dahil busy nga si Mayor Isko, ginawang Saturday ang shooting para medyo maluwag ang schedule ng alkalde ng Manila.

“Bale four hours din ang shoot with Mayor Isko, pero kahit walang pasok sa city hall, may mga bisita rin siya na kailangang asikasuhin in between takes.

“‘Katuwa nga dahil bago ang eksena nila, inayos pa ni Mayor Isko ang damit ni Joaquin. Pati buhok ni Joaquin, inayos din niya. Halatang happy si Mayor Isko na like him ay nag-aartista na rin si Joaquin. Sobrang close talaga ng mag-ama.

“Masaya ‘yung eksena dahil si Mayor Isko played himself. Natawa nga lahat kami dahil nag-adlib pa siya eksena. Sabi niya kay Joaquin, ‘Kilala ko tatay mo, ha!’ Natawa nga pati si Joaquin.

“Sabi pa ni Mayor Isko during the shoot, mas guwapo raw sa kanya si Joaquin at mas matangkad pa. Sabi naman ni Joaquin, mas guwapo ang tatay niya. Sobrang proud nga si Joaquin sa tatay niya. Happy rin siya dahil pumayag si Mayor Isko na mag-guest sa ‘Jolly Spirit Squad’. At least, nagkasama raw sila ng tatay niya sa first movie niya,” sabi ni Albert Medina Sunga na isa sa mga involved sa production.

Cute raw panoorin ang eksena ng mag-ama sa “Jolly Spirit Squad”.

Nilinaw rin ni Albert na kahit sa city hall sila nag-shooting at kasama sa eksena si Mayor Isko, hindi raw basta sila nag-set-up doon.

“Sumunod kami sa mga dapat gawin. Kumuha kami ng shooting permit, nagbayad din kami ng mga dapat bayaran. Hindi puwedeng basta nag-shoot lang kami.”

Bukod kay Isko, marami pang ibang stars like Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Lotlot de Leon, Epy Quizon, Vin Abrenica at iba pa na nag-guest din sa “Jolly Spirit Squad” na intended daw for the Metro Manila Film Festival 2019 kaya nga raw tapos na ang shooting nila dahil isa-submit nila ‘yon sa finished product category.

First directorial job nina Chiqui Lacsamana at JR Reyes ang nasabing pelikula at nilinaw ni Albert na hindi co-producer doon si Mayor Isko, huh!

Bale si Direk Tony Y. Reyes ang overall in-charge of production at isa ang talent manager na si Daddie Roxas sa producers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *