Maynila, QC, Bulacan sa ‘#NoFilter’

Mistula mang mga bakas na lang ng kasaysayan ang mga sinaunang bahay at lugar sa bansa, taglay rin nila ang mahahalagang kuwentong dapat malaman ng bawat Pilipino. Kaya ngayong Miyerkoles (Mayo 22), bibisitahin ng nagbabalik-dokumentaryo na si Abner Mercado, ang ilang mga tanyag na heritage house upang magbigay-pugay sa kasaysayan at kultura ng ating bansa sa “#NoFilter” sa ABS-CBN.

The post Maynila, QC, Bulacan sa ‘#NoFilter’ appeared first on Abante News Online.

maynila qc bulacan sa nofilter - Maynila, QC, Bulacan sa ‘#NoFilter’
ABS CBN NOFILTER - Maynila, QC, Bulacan sa ‘#NoFilter’

Mistula mang mga bakas na lang ng kasaysayan ang mga sinaunang bahay at lugar sa bansa, taglay rin nila ang mahahalagang kuwentong dapat malaman ng bawat Pilipino. Kaya ngayong Miyerkoles (Mayo 22), bibisitahin ng nagbabalik-dokumentaryo na si Abner Mercado, ang ilang mga tanyag na heritage house upang magbigay-pugay sa kasaysayan at kultura ng ating bansa sa “#NoFilter” sa ABS-CBN.

Tutungo si Abner sa Intramuros sa Maynila, Quezon City, at Bulacan na naging saksi­ sa ilang mga importanteng pangyayari sa kasaysayan ng Pili­pinas.

Sisisayatin rin ng premyadong broadcast journalist, direktor, at producer, na dati ring anchor ng “The Correspon­dents” sa ABS-CBN, ang mga ginagawa ng mga priba­dong indibidwal­ na nangakong aalagaan ang mga lugar na ito upang hindi ito ma­ging biktima ng ko­mersyalisasyon o pagkasira.

Dadayo si Abner sa Mira-Nila Heritage House sa New Manila na itinayo noong dekada 1930 at napuntahan ng mga importanteng tao tulad nina dating Pangulo Manuel Quezon at Douglas MacArthur.

Dadalaw rin siya sa Malolos, Bulacan para makita ang mansyong Jose Bautista­ na itinayo noong dekadang 1870 at nabisita noon ni Jose Rizal, at may kolek­syon ng mga likha nina Fernando Amorsolo at Felix Ressureccion-Hidalgo.
Bago si Abner, gumawa na rin ng dokyu para sa “#NoFilter” sina Jeff Canoy, Raphael Bosano, at Kori Quintos.

The post Maynila, QC, Bulacan sa ‘#NoFilter’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *