Maymay super iyak dahil sa KathNiel

Kahit sikat na rin si Maymay Entrata, hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging fan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

The post Maymay super iyak dahil sa KathNiel appeared first on Abante News Online.

maymay super iyak dahil sa kathniel - Maymay super iyak dahil sa KathNiel
maymay kathniel - Maymay super iyak dahil sa KathNiel

Kahit sikat na rin si Maymay Entrata, hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging fan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Halatang-halata sa mensahe ni Maymay na solid talaga ang pagmamahal niya kina Kathryn at Daniel. Nag-post ang aktres sa Instagram niya ng photo na kung saan yakap-yakap niya ang KathNiel, at kuwento ni Maymay na literal daw siyang umiiyak habang tina-type ang caption sa picture niya kasama ang KathNiel.

Naaalala pa raw ni Maymay kung gaano ka-worth it ‘yung payong na idinutdot daw ng isang babae sa ulo niya dati dahil nakasingit siya para lamang makita ang KathNiel kahit 10 meters away pa iyon.

Tandang-tanda raw ni Maymay kung gaano siya ka-‘buang’ noon at ang paghanga niya sa KathNiel na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala.

Nagpasalamat si Maymay na nabigyan siya ng pagkakataon na makilala ang dalawa, hindi lang bilang artista kundi bilang kaibigan.

Mas humanga rin ang mga fan kay Maymay dahil sobrang down-to-earth daw nito, na hindi kinahihiya ang pinagmulan.

View this post on Instagram

Literal na umiiyak ako while nag ta type ngayon sa mga naaalala ko, pagkabuang nalang ayaw matigil tigil Hahahahuhuhu! Worth it yung PAYONG na dinutdot nung babae sa ulo ko dahil nakisingit ako para makita ko lang kayo ng kahit 10 meters away! Ang paghanga ko nuon hanggang ngayon ay walang kupas lalo na’t binigyan nyo ko ng pagkakataon na kilalanin kayo hindi bilang artista kundi yung “Kayo” 👫❤️ Labyu ate Malia Kuya Tristan 😭

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

The post Maymay super iyak dahil sa KathNiel appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *