Maymay palaban sa pagandahan kay Pia

Naaliw na lang ako sa isang fan ni Maymay Entrata na tila naiinip sa pictures ng pictorial ng Kapamilya star around United Arab Emirates para sa Xpedition magazine na pag-aari ng Pinoy na si John Yugen na Dubai-based.

The post Maymay palaban sa pagandahan kay Pia first appeared on Abante.

maymay palaban sa pagandahan kay pia - Maymay palaban sa pagandahan kay Pia
May may x Pia - Maymay palaban sa pagandahan kay Pia

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 2 300x180 - Maymay palaban sa pagandahan kay PiaNaaliw na lang ako sa isang fan ni Maymay Entrata na tila naiinip sa pictures ng pictorial ng Kapamilya star around United Arab Emirates para sa Xpedition magazine na pag-aari ng Pinoy na si John Yugen na Dubai-based.

Bakit daw sa studio lang ang pictorial samantalang naisulat ko na around UAE ang location nila?

Hello! Mismong si Maymay ang nagsabi na excited siya sa pictorial na ‘yon dahil isang linggo nilang gagawin ‘yon around UAE at makakapamasyal din daw siya.

Sabi ko sa fan na ‘yon, alangan namang ilabas kaagad ni Josh sa social media account niya ang pictorial ni Maymay, natural, kailangang abangan ‘yon sa Xpedition magazine.

Saka ang alam ko, noong Sunday lang nagsimula ang pictorial ni Maymay, siguro, sobrang atat lang ang fan na ‘yon, kaya gusto na kaagad makita ang pictures ng Kapamilya star.

Anyway, pati ang kilalang international fashion designer na si Furne One (na ilang Hollywood celebrities na rin ang nabihisan) ay excited din sa pagbibihis kay Maymay sa nasabing pictorial.

Nang dalawin ko ang couture shop ni Furne sa Dubai Design District (D3), nakita ko ang ilang gowns na inihanda niya para suotin ni Maymay sa pictorial na ‘yon at ang gaganda, huh!

Si Furne rin ang isa sa mga nagdamit kay Pia Wurtzbach para sa pictorial naman ni Miss Universe 2015 para sa Xpedition magazine, kaya ang bongga ni Maymay dahil kahilera siya ni Pia bilang cover girl ng nasabing glossy magazine.

Oo nga pala, sobrang puri ng grupo nina Josh at Furne si Maymay. Mabait daw talaga ang dalaga at walang kaere-ere.

Sobrang enjoy lang daw si Maymay sa bakasyon cum pictorial niya sa Dubai.

***

Gwen, David rumampa sa France

From Dubai, dumako naman tayo sa France.

Umalis kamakailan si Gwen Zamora pa-France kasama ang mag-ama niyang sina David Semerad at Cooper.

Wala pa namang PBA si David, kaya may post-Holidays vacation sila roon.

Ang bongga nga pala ni Cooper dahil isang taon pa lang ito ay marunong na ring mag-French dahil tinuturuan ni Gwen.

***

Sam kinahuhumalingan ni Anthony

Kung si David ay sobrang in love kay Gwen, ang twin-brother niyang si Anthony Semerad ay grabe rin ang pagka-in love sa fiancé naman nitong si Sam Pinto.

Makikita nga sa mga posting nila sa kanilang mga social media account ang sobrang pagmamahalan nina Anthony at Sam.

***

Bye showbiz: Miho tindera na sa Japan

Sa Japan naman tayo this time.

Hindi na nga inililihim ng PBB alumna na si Miho Nishida na bumalik muna siya sa Japan para mag-work sa isang department store.

Makeup ang ibinebenta ni Miho.

Para sa anak niyang si Aimi at sa kanyang nanay ang desisyon na ‘yon ni Miho na magtrabaho muna sa Japan habang wala pang showbiz work.

May mga inaayos naman ang manager niyang si Therese Ramos at once na sure na raw, babalik naman kaagad ng bansa si Miho para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Ang mga fan naman ni Miho, lalong humanga sa kanya dahil kaya niyang maging saleslady para sa kanyang anak at nanay!

In fairness to Miho, wala siyang kaartehan sa katawan!

The post Maymay palaban sa pagandahan kay Pia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *