Maymay palaban sa hamon ng buhay

Binago ni Maymay Entrata ang nakasanayan na ‘pag sinabing artista, dapat mestisa.

The post Maymay palaban sa hamon ng buhay appeared first on Abante News Online.

maymay palaban sa hamon ng buhay - Maymay palaban sa hamon ng buhay
ABANTE maymay - Maymay palaban sa hamon ng buhay

MayWard kinabog ang AlDub:

Binago ni Maymay Entrata ang nakasanayan na ‘pag sinabing artista, dapat mestisa.

Mula sa simpleng pangarap na sinamahan ng maraming pagsusumikap at tiyaga, higit sa lahat, ang hindi pagsuko na makamit ‘yon ang isa sa mga unang naging daan sa tagumpay na meron si Maymay ngayon.

Ilang beses siyang tinanggihan sa bawat reality shows o contest na sinasalihan niya, pero sa “Pinoy Big Brother Lucky 7,” isa sa pinakamatagal na edition ng PBB, si Maymay ang itinanghal na big winner.

Tatlong taon pa lang ang nakalilipas, pero ang achievements niya ay isa na sa masasabing sukatan ng tagumpay. Bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, may platinum album, successful live shows/concerts at major endorsements.

Sa loob ng dalawang taon, ang AlDub ang number 1 love team sa Twitter.

Pero sa unang quarter ng taong ito, natalo ng love team nina Maymay at Edward Barber ang phenomenal tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Number 1 na ang MayWard, puma-ngalawa ang DonKiss nina Donny Pangi-linan at Kisses Delavin at pangatlo ang AlDub.

Sila rin ang itinanghal na Most Promising Love Team sa 50th Box Office Entertainment Awards.

***

Pekeng Blink?

Isa ang mga Kapamilya stars sa mga artistang nag-laan talaga ng oras para mapanood ang hina-hangaan nilang South Korean girl group na Blackpink.

Nagalit ang karamihan ng mga Blinks, lalo na ang mga Pinoy, sa mga celebrity na nasa meet-and-greet na ginanap sa SM Aura noong Huwebes nang gabi. Pinagbintangan din ang ilan sa mga ito na fake fans at hindi naman totoong mga Blinks. Na sponsored lang ng online store na Shopee kaya nandoon. Ending, ang mga fan na gumastos ng malaki ang nawalan pa ng privileges na dapat ay sa kanila.

Tiningnan namin ang Instagram account ni Maymay kunsaan, ibinahagi niya ang naramdamang saya nang mapanood at makita nang live ang hinahangaang K-pop girl group.

Tila ayaw naman nang i-entertain ni Maymay kung sakali at may mga galit na Blinks o mamba-bash kaya kapansin-pansin na ini-off nito ang IG post niya tungkol sa event.

Pero ayon kay Maymay, ang Blackpink daw ang dahilan kung bakit nagsimula ang pagka-buang niya sa K-pop.

Sa caption niya, “Ito yung parang panaginip na nakalutang ka lang sa sobrang ganda nila na parang di totoo dahil sa malapit lang sila grabi baii, di ko man capture lahat pero ang makita sila ng malapitan ay sapat na para punuin ng saya ang puso ko. Glory to God.”

***

‘Maganda ako’

Halos lahat ay ginulat ni Maymay nang rumampa siya sa Arab Fashion Week noong isang taon, bilang si Maymay ang kauna-unahang Filipina na naimbitahan dito. Ginanap ito sa Dubai, United Arab Emirates.

Nakapasa sa audition si Maymay kaya gumawa talaga siya ng history, lalo na sa kasaysayan ng fashion.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Maymay ng, “Hindi ko talaga alam kung paano ko ie-express ang nararamdaman, pero dito ako sigurado ang pasalamatan kayo Amato Couture family. Binigyan niyo ng panibagong kulay ang buhay ko.”

Kasama na nga sa job description ni Maymay ang pagiging modelo. Isa sa mga pangarap lang daw niya dati na hindi niya akalain na magkakaroon ng katuparan.

“Nasa dreams ko po ‘yung pagiging modelo. Na sa tamang panahon.”
Natutunan lang daw ni Maymay ang pag-rampa na halos lahat ay napahanga niya talaga. Maaa-ring mas mara-ming modelo o kababaihan na mas maganda sa kanya, pero si Maymay ay hindi naman nagmamaganda. Iniisip lang daw niya na maganda siya.

“Kunwari iniisip ko lang na maganda ako.”

***

Nagbibigay saya kay Edward

Ang maganda sa love team ng dalawa, hindi raw sila nagpapa-pressure na kailangan nilang magligawan o ma-ging sila na.

Pero hindi itinanggi ni E­dward na protective siya kay Maymay. Aniya, “People might misunderstand my action sometimes. I could say na protective ako kay Maymay.”

Sa ngayon, ayaw raw nilang madaliin ang lahat.

Sabi pa ni Edward sa kung ano ang meron sila ni Maymay, “Sa ngayon, I’m contented with what I have. I want to live at the moment. Kung ano ang totoo.”

At sabi naman ni Maymay, masaya rin sila ni Edward na hindi sila pine-pressure ng mga fans nila.

“Mababait ang fans namin. Hindi nila kami pine-pressure. Enjoy lang sila at happy sila kung ano kami.”

The post Maymay palaban sa hamon ng buhay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *