Maymay natensiyon sa tukaan kay Edward

Inamin ni Maymay Entrata na nailang siya kay Edward Barber noong una silang magkita sa shooting ng Princess Dayareese. Mahigit walong buwan nga naman silang hindi nagkita.

The post Maymay natensiyon sa tukaan kay Edward first appeared on Abante.

maymay natensiyon sa tukaan kay edward - Maymay natensiyon sa tukaan kay Edward
entrata - Maymay natensiyon sa tukaan kay Edward

Inamin ni Maymay Entrata na nailang siya kay Edward Barber noong una silang magkita sa shooting ng Princess Dayareese. Mahigit walong buwan nga naman silang hindi nagkita.

Pero, noong kinausap daw sila ni Direk Barry Gonzales, bigla raw silang natauhan. At ‘yun na, bumalik ulit ang dati nilang samahan, kulitan.

“Nag-workshop din kami with Miss Ana Feleo para ma-break ang awkwardness na `yon. Nag-usap kami. Kaya naging madali sa amin ang pagsu-shoot ng movie, nawala ang awkwardness,” sabi ni Maymay.

Mabuti na lang daw at sa huling bahagi ng shooting nila kinunan ang isang sensitibong eksena nila.

“Rush na rush po `yon. Mga 30 minutes mawawala na ang araw. In terms of emotion, nakakakaba talaga. Pero sinabi ko na lang, kung ano ang kailangan gawin, gawin natin.

“Challenging talaga ang scene na `yon, kasi nagmamadali kami, last scene na namin `yon dapat may araw, pa-sunset na, palubog na araw. Sabi ko, talaga ba magpapakilig tayo dito? Ito nararamdaman natin, Edward’. Pero, kailangan ihiwalay ang nararamdaman mo habang sinu-shoot mo `yon, at ibigay ang kailangan talaga,” sabi pa ni Maymay. (Dondon Sermino)

The post Maymay natensiyon sa tukaan kay Edward first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *