Maymay initiman sa ‘MMK’, mga fan super palag

Eksaherado ang reaksyon ng ilang netizen sa episode ng “MMK”  ngayong Sabado (March 30) kung saan makikitang initiman ang balat ng ilang Kapamil­ya star para maisabuhay ang kuwento ng tagumpay ni Judith Manap, isang Aetang kontesera sa Bataan na gustong maging beauty queen.

The post Maymay initiman sa ‘MMK’, mga fan super palag appeared first on Abante News Online.

maymay initiman sa mmk mga fan super palag - Maymay initiman sa ‘MMK’, mga fan super palag
maymay mmk - Maymay initiman sa ‘MMK’, mga fan super palag

Eksaherado ang reaksyon ng ilang netizen sa episode ng “MMK”  ngayong Sabado (March 30) kung saan makikitang initiman ang balat ng ilang Kapamil­ya star para maisabuhay ang kuwento ng tagumpay ni Judith Manap, isang Aetang kontesera sa Bataan na gustong maging beauty queen.

Lumitaw na naman ang mga katagang “cultural misappropriation.”

Naiintindihan kaya ng mga netizen na ito ang katwiran na ginamit? Labis sa pagka-sensitive. Kung iisipin, wala namang pinsalang idudulot ito sa kanino man. At yung iba naman, kunwaring offended kahit na hindi naman naintindihan ang pangangatwiran. In short, mema lang talaga. At sa totoo lang, luma at talaga namang nakakapagod na ang misplaced political correctness na ito.

Sa katunayan, marami rin ang ganito ang opinion online. Ayon kay kingkongbundy, “Liberal overacting and attention seeking outrage,” habang sinabi naman ni jayemdee_412, “Much ado about nothing.”

Ito ay sinang-ayunan ni Raymund Suegfried Gatpatan Pecho. Aniya, “Haynako eto na naman tayo sa pagiging overly sensitive sa mga bagay na hindi naman natin dapat binibigyan ng issue. Cultural appro-whatever your face, critics. 2019 na, let’s all grow up.”

Besides, hindi na bago ang paglagay ng makeup sa artista para ilapit sa itsura ng ginagampanan. Maaalang gumanap na ring Aeta si Roderick Paulate noon. Hindi naman naging isyu. Bagkus, pinuri pa ang pagganap ng actor. Naalala ito ni Charlene Hubilla na nagsabing, “They’re just making an issue because Maymay was the chosen one to portray Judith. This is not the first time that MMK portrayed a story of an Aeta and other minority. Was there an issue before? No. Some of the actors were even awarded for their great performance.”

Dahil may magandang mensaheng ipararating ito, magandang choice si Maymay dahil sa kilala na ito at siguradong pano­noorin ng mas maraming tao. At dahil siya ang gaganap, makakalikom ng “deeper understanding” o pang-unawa ang kapalaran ng mga kapatid nating Aeta.

Ito namang ginawa sa “MMK” eh obviously para makapagbigay inspirasyon at mai-angat ang lebel ng kaalaman sa kultura ng mga kapatid nating Aeta.

Sabi nga ni  Daryl Dimazana, “They are getting paid to play roles. These roles are being played in good faith.”

The post Maymay initiman sa ‘MMK’, mga fan super palag appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *