Maymay inampon ng negosyante sa Dubai

Sa halip na umuwi ng probinsiya para mag-Pasko, napunta ng Dubai si Maymay Entrata.

The post Maymay inampon ng negosyante sa Dubai first appeared on Abante.

maymay inampon ng negosyante sa dubai - Maymay inampon ng negosyante sa Dubai
maymay - Maymay inampon ng negosyante sa Dubai

Sa halip na umuwi ng probinsiya para mag-Pasko, napunta ng Dubai si Maymay Entrata.

Ayon sa post ni Maymay ng mga larawan na kuha sa airport ng Dubai, 24 oras lang prinoseso ng kaibigan niyang si Josh Yugen ang visa para makarating siya ng Dubai.

Si Yugen ang editor-publisher ng Expedition Magazines na meron ding award giving body na ang pangalan ay Xaga.

Isa sa mga awardee ay si Pia Wurtzbach, na matapos dumalo sa programa ay dumiretso na ng London.

Paliwanag ni Maymay, hindi siya makapunta sa Japan, na kung saan ay nakatira ang nanay niya, dahil sarado ito sa mga tourist.

Hindi rin siya umuwi ng probinsya para sa kaligtasan ng kanyang lola.

Nang malaman ni Yugen na wala syang mapupuntahan ngayong Pasko, prinoseso ang kanyang visa at agad siyang pinalipad para sa kanya ito mag-Pasko.

Labis-labis ang pasasalamat ni Maymay sa Pinoy businessman sa pag-ampon nito sa kanya ngayong Pasko. (Rey Pumaloy)

The post Maymay inampon ng negosyante sa Dubai first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *