Maymay, Edward muntik maghalikan

Makapigil-hininga sa sobrang kilig ang litratong pinost nina Maymay Entrata at Edward Barber sa kanilang Instagram.

The post Maymay, Edward muntik maghalikan appeared first on Abante News Online.

maymay edward muntik maghalikan - Maymay, Edward muntik maghalikan
abante mayward fans cebu - Maymay, Edward muntik maghalikan

Makapigil-hininga sa sobrang kilig ang litratong pinost nina Maymay Entrata at Edward Barber sa kanilang Instagram. Kanya-kanyang entry sila ng #MayWardGrandAlbumLaunch which is talagang mapapatibok ang puso ng mga fan sa sobrang kilig.

Makikita sa picture na karga ni Edward si Maymay at talagang yakap na yakap din na malapit nang mag-kiss dahil halos magdikit na nga ang kanilang mga ilong at labi.

Saan ka pa? Grabe talaga ang ka-sweetan ng dalawang ito! Well, sabi nga ni Edward, isa iyon sa kanyang paboritong production number nila, at obvious naman sa picture kung bakit.

Pero, pahapyaw pa lang nilang dalawa ang mga picture na in-upload nila.

Ibig sabihin there’s more sweetness to come! Aba, matinding kiligan yata ang magaganap sa album launching ng dalawang ito!

Abangan na lang natin kung ano ang pasabog ng tambalang MayWard sa April 28 sa Skydome. Mukhang mapapalaban tayo sa kilig sa dalawang ito! (Athena Yap)

The post Maymay, Edward muntik maghalikan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *