Maymay agaw-eksena sa fashion show

Ginalingan na naman ni Maymay Entrata! ‘Yan ang reaksyon ng mga fan sa ginawa niyang pagrampa sa katatapos lang na fashion show ng Folded and Hung.

The post Maymay agaw-eksena sa fashion show appeared first on Abante News Online.

maymay agaw eksena sa fashion show - Maymay agaw-eksena sa fashion show
maymay FnH - Maymay agaw-eksena sa fashion show

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Maymay agaw-eksena sa fashion showGinalingan na naman ni Maymay Entrata! ‘Yan ang reaksyon ng mga fan sa ginawa niyang pagrampa sa katatapos lang na fashion show ng Folded and Hung.

Eh kasi naman, kahit sa mga naglabasang video, outstanding talaga ang ginawang pagrampa ni Maymay, na akala mo ay buhay na manikin, ha! Ang husay-husay mag-emote, lumakad nito na kahit sangkatutak ang mga sosyalerang mga tao sa paligid, taas noo at super husay pa ring rumampa.

Kaya ang mga tao, all eyes talaga sa kanya, at siyempre sa partner niyang si Edward Barber.

Heto nga ang iba’t ibang reaksyon ng mga fan sa kanila:

“‘Yan ang mga tunay na modelo, hindi lang ‘yung parang napadaan lang sa kanto. Great job, MayWard. Maymay is on fire! She is ama­zing.”
“Ang maganda kay Maymay, kahit anong suutin niya bagay sa kanya.”

“Ang galing ni Maymay, bawat beat ng song kaya niyang sabayan. ‘Yung hampas ng balakang ni Maymay, ang husay.”

Halos mabali na ang mga leeg ng mga audience sa pagsunod sa pagrampa ni Maymay. ‘Pag siya talaga ang rumarampa, mapapa-wow ka talaga.

Pero, may iba rin na pumuna sa pagrampa ni Maymay, na kes­yo outdated na raw, o luma na ang style ng pagrampa nito, kaya dapat may magturo rin sa kanya kung ano ang mga bagong estilo sa pagrampa.

At siyempre, pinutakti ng mga fan ang nagkomento na ‘yon. Lakas nga raw makabasag ng trip, eh.

Well…

Joshua Aquino naglaba sa Japan

Aliw na aliw ang mga fan sa la­test Instagram post ni Kris Aquino, na makikita nga na nagla­laba si Joshua. Kunsabagay, washing machine naman ang gamit ni Joshua, kasama si Bincai, pero siyempre kakaiba pa rin na makita si Josh sa ganu’ng sitwasyon. At sa ibang bansa pa, ha!

“I showed you what Bimb, RB & I did… Bincai sent this to me (pabalik pa lang sila because nagutom ulit si kuya),” bungad na chika ni Kris.

“Pinanindigan nila ko, matagal kaming nandito sa Japan so nagbaon talaga kami ng Ariel w/ Safeguard (that’s my prefe­rence)… kuya josh is super res­ponsible about chores so kung 2 Japanese meals ang gusto nya, SUPER DESERVING. Yes I am very blessed. And I’m happy to share these everyday moments with you,” sabi pa ni Kris.

Mababasa rin ang tuwang-tuwang reaksyon ng mga fan, at paghanga kay Joshua.

iamhelisnort: “Super galing ng pagpapalaki mo sa kanila Ms. Kris! Enjoy Japan po hello sa boys! We luv u!”

carmitabanera: “Please Father GOD, Bless Joshua Aquino. He is ONE of the most perfect Person to this very Imperfect World.”

nesah6878: “Bait ni Kuya and super gwapo pa…God bless you more kuya Josh.”

The post Maymay agaw-eksena sa fashion show appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *