May ‘K’ magalit kay Kier: Dani buntis na?

Ipinagtanggol ni Gretchen Barretto si Kier Legaspi sa naging pahayag ng pamangkin niya na si Dani Barretto sa vlog nito na bukod tanging ang ina lang niya na si Marjorie Barretto ang nag-raise sa kanya.

The post May ‘K’ magalit kay Kier: Dani buntis na? appeared first on Abante News Online.

may k magalit kay kier dani buntis na - May ‘K’ magalit kay Kier: Dani buntis na?
Abante 2019 Danni Barretto - May ‘K’ magalit kay Kier: Dani buntis na?

Ipinagtanggol ni Gretchen Barretto si Kier Legaspi sa naging pahayag ng pamangkin niya na si Dani Barretto sa vlog nito na bukod tanging ang ina lang niya na si Marjorie Barretto ang nag-raise sa kanya.

Base sa IG Live nila ng bagong ka-reuni­ted na kapatid na si Claudine Barretto, oo nga’t sinabi nitong ang kasalanan lang daw ni Kier noon ay hindi ito mayaman but Kier raw always tried to be part of Dani’s life.

Bilang anak, siguradong may pinangga­galingan si Dani kung bakit niya nasabing ang ina lang niya ang nag-raise sa kanya. Siya ang nakakita nito at nakadama until today na kung totoo ang mga balitang malapit na rin siyang maging ina kaya pa-kakasal na.

Maaaring grateful din naman si Dani sa mga naitulong ng tita niya sa kanya, as well as ni Claudine na in fairness, hindi masyadong nagsalita o sumegunda kay Gretchen, pero posibleng ang kabuuan ng buhay niya na ang ina niya ang nakasama at nag-alaga sa kanya ang tinutukoy ni Dani.

O, para siguro ma-feel na appreciated din si Gretchen, puwede sigurong gumawa si Dani ng bagong vlog at isa-isahin naman niya mula pagkapanganak niya ang lahat ng nakatulong sa paglaki niya, huh.

‘Yung isyu niya sa Daddy niya, sometimes, it takes two to tango. Baka naman nga bilang anak, naghahanap din ito hindi lang financial, maging effort mula sa ama. Baka, baka lang kulang pa rito si Kier?

Dahil sa mga naging pahayag ni Gretchen, naalala namin ‘yung ka-sabihan at nakasulat din sa bible na, “huwag mong ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginawa ng iyong kanang kamay.” (Rose Garcia)

The post May ‘K’ magalit kay Kier: Dani buntis na? appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *