May bagong palasyo: Yassi Pressman hindi namumulubi

Kabilang na si Yassi Pressman sa mga artistang nakapag-ipon ng pera at hindi iginupo ng kahirapan dulot ng pandemya. Habang tuliro ang ibang mga artista sa pangamba kung paano madudugtungan ang kanilang kabuhayan, tuloy sa pagpapagawa ng bagong bahay si Yassi.

The post May bagong palasyo: Yassi Pressman hindi namumulubi first appeared on Abante.

may bagong palasyo yassi pressman hindi namumulubi - May bagong palasyo: Yassi Pressman hindi namumulubi
Yassi Pressman - May bagong palasyo: Yassi Pressman hindi namumulubi

Kabilang na si Yassi Pressman sa mga artistang nakapag-ipon ng pera at hindi iginupo ng kahirapan dulot ng pandemya. Habang tuliro ang ibang mga artista sa pangamba kung paano madudugtungan ang kanilang kabuhayan, tuloy sa pagpapagawa ng bagong bahay si Yassi.

Pasimpleng ipinasilip ni Yassi ang nagaganap na construction sa itinatayo pa lang na property. Pinoste ni Yassi ang larawan habang nasa site ng construction.

Patalikod ang kuha ng larawan sa aktres kaya masisilip ng kanyang mga follower ang lugar.

Sa harap nito ay isang lalake na hawak ang plano na nagbibigay instruction sa tao.

May caption na “under construction” ang photo posting na ito ni Yassi kaya naman inulan ito ng pagbati mula sa kanyang mga follower.

Sinasabi pa ng mga itong kung nabubuhay lang ang ama nito, sigurado itong masaya at proud sa kanyang achievement. (Rey Pumaloy)

The post May bagong palasyo: Yassi Pressman hindi namumulubi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *