Maxine Medina inalok mag-porno

‘Not so dark yet!’ sabi ni Maxine Medina sa Instagram photo niya na naka-bikini siya.

The post Maxine Medina inalok mag-porno appeared first on Abante News Online.

maxine medina inalok mag porno - Maxine Medina inalok mag-porno
Abante 2019 Maxine Medina - Maxine Medina inalok mag-porno

‘Not so dark yet!’ sabi ni Maxine Medina sa Instagram photo niya na naka-bikini siya.

Ang kulay ni Maxine nga ang hinaha¬ngaan sa kanya ng mga fan. Pinay na Pinay at hindi natatakot umitim.

Hindi siya takot sa sinag ng araw. At para sa kanya, ang pagiging morena ay simbolo ng tunay na kagandahan.

Malayo siya sa ibang Pilipina na mas gustong maging tisay kesa maging morena. Ang iba, todo lagay ng mga lotion na pampaputi, at super laklak ng mga gamot na magpapa-tisay sa kanila.

Pero siyempre bukod sa kulay niya, sa ganda ng katawan niya, ng mukha niya, ang tapang niya sa paglalantad ng katawan ang hinahangaan sa kanya.

Tulad nga sa latest photo niya, na ang cut ng bikini niya ay halos iluwa na ang kanyang hiyas dahil sa sobrang baba. Kumbaga, konting kilos lang, parang sisilip na agad ang bukang liwayway, ha!

Pero keri naman kasi ni Maxine ‘yon. At kahit ano pa ang sabihin ng mga follower niya, dedma lang siya. Para sa kanya, mas mahalaga na ma-express niya ang sarili niya.

Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Kahit nga ‘yung obyus na gusto lang siyang manyakin, bastusin, dedma lang siya. Aba, may iba kasi na nagsasabi na kesyo bagay raw na maging porno star si Maxine, ha!

May iba nga na inaalok talaga siya na gumawa ng mga sex movie. Na name your price kuno-kuno, ha! At sa hiya rin siguro nila, o natakot ma-bash nang husto, sila na mismo ang nagde-delete sa mga mensahe nila.

At teka lang naman, beauty queen si Maxine. Hindi naman porke nagpapasilip siya ng katawan sa social media, puwede na siyang alukin o itulad sa mga adult film star.
ot

Go lang Maxine! Hayaan mo lang silang magpantasya sa iyo! Basta ikaw, maganda, seksi at masaya sa buhay. Sapat na ‘yon. (Dondon Sermino)

The post Maxine Medina inalok mag-porno appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *