Maxine, Ara patalbugan ng singit, puwet

Kaloka lang na kahit tag-ulan na sa Pilipinas ay patuloy pa rin na nagbubuyangyang ng kanilang mga puwet sa social media ang mga artista.

The post Maxine, Ara patalbugan ng singit, puwet appeared first on Abante News Online.

maxine ara patalbugan ng singit puwet - Maxine, Ara patalbugan ng singit, puwet
maxine 1 - Maxine, Ara patalbugan ng singit, puwet

OH,LABAN KA?
REY PUMALOY

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Maxine, Ara patalbugan ng singit, puwetKaloka lang na kahit tag-ulan na sa Pilipinas ay patuloy pa rin na nagbubuyangyang ng kanilang mga puwet sa social media ang mga artista.

Matapos maglantad ng kanilang mga butt sina Lovi Poe at Kiray Celis sa kanilang mga Instagram, ang magkaibigan at parehong beauty queen na sina Ara Arida at Ma-xine Medina naman ang nagbalandra ng kanilang mga puwet sa IG.

Makasama na nagpakuha nang nakatalikod ang dalawang naging kinatawan sa Miss Universe, habang nasa loob sila ng kuwarto, suot ang floral printed one-piece bathing suit.

Sa caption ay sinabi ni Ma-xine na kahit tag-ulan, malakas pa rin ang loob nila ni Ara na magsuot ng bathing suit. Kinunan Ma-xine ang reflection ng katawan nila sa salamin habang nakatalikod silang da-lawa ni Ara.

Nag-hello sa larawan ang pisngi ng mga puwet ng dalawang Kapamil-ya star, pati na ang kanilang mga si-ngit. Buti na lang makinis ang morena complexion ng dalawa, kaya walang makitang tsismis sa kanilang balat.

Dahil si Maxine ang kumuha at mas malapit sa salamin, lumabas na mas malaki at malaman ang puwet niya kesa kay Ara.

Bistek bilyong pera
ang iniwan kay Joy

Malinis na iniwan ni Herbert Bautista ang pagka-Mayor ng Quezon City para mag-give way sa bagong hala na si Joy Belmonte. At ang bongga dahil iniwanan din niya ng bilyong halaga ng budget ang syudad.

Sa ipinadalang press re­lease ng upisina ni Bis­tek, humigit-kumulang sa P26,274,036,108 ang pera na iniwan ni Bistek.

At para pa rin sa budget ng Quezon City government ay P6,496,929,271.50 naman na kokolektahin pa mula sa sources na Real State tax, Business Tax, Community Tax, Socialized Housing program, Internal Revenue allotment at other regulatory fees.

Robin bilib sa
tapang ni Matteo

Sumaludo si Robin Padilla kay Matteo Guidicelli sa pagiging isa na nitong official member ng Phil. Scout Ranger ngayon.

Pinoste ni Robin sa kanyang Instagram ang la-rawan ni Matteo na naka-Scout Ranger uniform at sa gilid nito ang statement niya na nagsasabing mas lumawak ang pang-unawa, pagkabilib, respeto niya sa mga tagapagtanggol ng bansa nang pasukin nya ang pagiging sundalo.

Saad pa ni Matteo, “As a civilian before, looking at soldiers, we give them so much respect. Now that immerse, I live, I train with them, my respect for them has gone up that words cannot explain. Sila ang totoong VIP and without them, we wouldn’t be here, we wouldn’t be protected. The level of sacrifice goes through their families, fof their country, is beyond expectations.”

Nakalagay naman sa caption ng post ang paghanga ni Robin kay Matteo.
“Salute to this young man,” sabi ni Robin.

The post Maxine, Ara patalbugan ng singit, puwet appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *