Maxene mukhang may sakit, sumobra ang kapayatan

Marami ang nag-aalala sa kalusugan ni Maxene Magalona Mananquil. Feeling nila, sumu­sobra na ang kapayatan nito.

maxene mukhang may sakit sumobra ang kapayatan - Maxene mukhang may sakit, sumobra ang kapayatan
abante maxene - Maxene mukhang may sakit, sumobra ang kapayatan

Marami ang nag-aalala sa kalusugan ni Maxene Magalona Mananquil. Feeling nila, sumu­sobra na ang kapayatan nito.

Nag-aalala sila dahil di ba nga, ang tatay ni Maxene na si Francis Magalona ay namatay sa sakit noon. At ‘yun nga ang agad na pumapasok sa isip nila kapag nakikita nilang patuloy ang pagpayat ng aktres.

At kahapon nga ay nag-post ulit si Maxene ng photo niya na naka-bikini, at oo nga, payat nga siya, at giit nga niya na wala siyang sakit. Pero sa totoo lang, nakakaloka ang hubog ng katawan.­

At ginamit nga niya ang IG post na `yon para magbigay ng mensahe sa mga nagtatanong kung bakit siya payat.

“My face when random people start sending me ­messages of concern about my weight loss#okaylangpoako #yogaevery­day #mondaymotivation,” sabi ni Maxene.
Pero para kay rrt5695; “Sumobra yata.”

Hirit naman ni kaaarenmay; “I am skinny also and I get offended everytime damn time they’re telling me to gain weight. Btw, I really love your body.”

Pero para naman sa marami, body goals pa rin nila si Maxene, at inggit na ­inggit nga sila sa kaseksihan nito.

bibi.no.bi0623; “I want to have your body omg.”

camilletastestheworld; “What hotness is this?!”

Well, ikinumpara nga kay Kendall Jenner ang kaseksihan ngayon ni Maxene.

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *