Max sinulsulang bugbugin, ingudngod sa inidoro si Sophie

May bagong kinagigiliwang ‘sampalan’ at ‘talakan’ ngayon sa telebisyon. Na kapag nakikita silang nagsasabunutan, nagpapakawala ng mga maanghang, matatapang na litanya, at nagkakasakitan talaga, lalong pumapalakpak ang mga manonood, ha!

The post Max sinulsulang bugbugin, ingudngod sa inidoro si Sophie appeared first on Abante News Online.

max sinulsulang bugbugin ingudngod sa inidoro si sophie - Max sinulsulang bugbugin, ingudngod sa inidoro si Sophie
maxx - Max sinulsulang bugbugin, ingudngod sa inidoro si Sophie

BANTAY TELESERYE Ni Dondon Sermino

May bagong kinagigiliwang ‘sampalan’ at ‘talakan’ ngayon sa telebisyon. Na kapag nakikita silang nagsasabunutan, nagpapakawala ng mga maanghang, matatapang na litanya, at nagkakasakitan talaga, lalong pumapalakpak ang mga manonood, ha!

Aliw na aliw nga ang mga manonood, netizen, sa bangayan na nangyayari ngayon sa pagitan ng mga bida ng “Bihag”, sina Max Collins at Sophie Albert.

Si Max na isang ina na inagawan ng anak at asawa. Si Sophie na nang-agaw ng asawa ni Max.

Ginagawa ni Max ang lahat para mahanap ang kanyang nawawala (kinidnap) na anak. At si Sophie, na ginagawa ang lahat para wasakin ang buhay ni Collins, at tuluyang maagaw ang mister nito, si Jason Abalos.

Maraming eksena ang dalawa na sa kuwento nga nila sa guesting nila sa “Abantelliling” ay talagang nagkakasakitan na sila.

May mga pagkakataon nga raw, na dahil inabot na sila ng gabing-gabi sa taping, kaya minsan ay hindi na nila nakokontrol pa ang lahat.

“‘Yung gigil na gigil ka na, tapos hindi mo na talaga makontrol. Na kapag sinampal niya ako, gaganti rin ako. Ginagawa rin namin ‘yon para hindi na paulit-ulit,” kuwento ni Max.

Si Sophie naman, may mga pagkakataon na nararamdaman daw talaga niya ang sakit ng mga sampal ni Max.

“Sinasabi ko naman sa kanya. Like the other day lang, after ng scene namin, sinabi ko talaga sa kanya na masakit,” saad ni Sophie.

Walang daya, at walang usap-usap sa kung paano dapat gawin para hindi sila masaktan talaga.

“Nag-uusap kami na ganito ang gawin, pero hindi puwedeng dayain. Kaya nga ‘pag may nagko-comment na kesyo daya raw ang sampalan namin, sinasabi ko talaga na hindi. Kasi wala talagang daya. Sa amin kasi, kung ano ang ginawa mo sa akin, ganu’n din gagawin ko sa iyo, gagantihan kita,” pahayag pa ni Max.

“Alam na alam ng mga netizen kapag fake ang ginagawa niyo. Sa totoo lang, minsan namamanhid na ang pis­ngi ko sa sampal. Pero kasi naman, wala ka talagang maibibigay na simpatiya sa karakter ko, masama talaga siya, kaya palagi siyang kawawa,” natatawang say pa ni Sophie.

Anyway, heto naman ang reaksyon ng mga fan sa talakan, sampalan, sabunutan nina Max at Sophie:

Lj M. Abello, “Bweset yung kabit na malangsa pa sa patis at tuyo kulang nalang ihawin hahaha.”

Grace Aoay, “Grabe nman mas mahaba pa patalastas kaysa sa episode today.”
Yolly Bernardo Felipe, “Hmmmppp!!!! Pinapaaba lang ninyo ang kwento!!! Walang kamatayang sampalan, sabunutan, habulan!! Tas ang damot pa ninyo sa replay!”
Nanette Gabriel, “Sa tuwing may eksena sila sabunutan at sampalan, hindi magandang panoorin to ng mga bata walang makukuhang magandang aral.”

Yanne A. Tabita, “Sapalin mo nang ngumiwi ‘yang mkpal na mukha ni Reign.”
Maria Mercedes, “Hmmm sana matapos agad di na maganda o.a legal wife di man lang mkasuhan ang mga animal.”

Mae Anne Fuentes, “Reign kahit anong gawin mo kabit karin sige Jessie bugbugin mo yang kabit ng asawa mo.”

Jerson Magallanes, “Congratulations guys! you made it! ang gagaling nyo lahat! i love you all! Best Actress- Max Collins! go go go Jessie!”
Aiyhaine Trambulo, “Yan ang mga usong palabas ngayon. Tungkol sa mga kabit.

May kabit. Nanloko ng asawa. Kaya mga kabataan ngayon namumulat ng maaga sa mga ganyan. Dapat ibalik niyo nalang anime at cartoons sa hapon. Matutuwa pa mga bata.”

Conie Rosales, “Kulang pa yan dpat sa inidoro mo nilublub mukha nya para magising sa pang aagaw sa asawa mo Jessie.”

Fe Austria, “Nakapanggigel buset talaga babaeng eto akala mo mauubusan ng lalake ayaw tantanan c Bryle, cge lng Jessie kalbuhin mo yan hitad na yan.”
Ahbak Ana Habibi, “Haha puro nlng sabunutan wala bang sikmuraan para maiba nmn hays.. kahit anong seryes makikita puro away puro agawan sa lalaki piro kabit nlng.”

The post Max sinulsulang bugbugin, ingudngod sa inidoro si Sophie appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *