Maureen itatapat kina Anne, Erich, Cristine

Malabo nang matuloy ang pelikula ni Jennylyn Mercado kay Direk Erik Matti para sa Reality Entertainment. Mismong si Direk Matti na ang nagbalita sa ­aming kanselado na ang project nila kay Jennylyn dahil sa schedule ng aktres.

The post Maureen itatapat kina Anne, Erich, Cristine appeared first on Abante News Online.

maureen itatapat kina anne erich cristine - Maureen itatapat kina Anne, Erich, Cristine
maureen 1 - Maureen itatapat kina Anne, Erich, Cristine

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Maureen itatapat kina Anne, Erich, CristineMalabo nang matuloy ang pelikula ni Jennylyn Mercado kay Direk Erik Matti para sa Reality Entertainment. Mismong si Direk Matti na ang nagbalita sa ­aming kanselado na ang project nila kay Jennylyn dahil sa schedule ng aktres.

Hindi na raw nila nahintay pa ang availa­bility ni Jen. May sinusunod daw kasi silang schedule. Maayos naman daw ang naging pag-uusap nila sa pagkansela ng pelikula.

Anyway, itinanggi ni Direk Matti na ang Asia’s Next Top Model Season 5 winner na si Maureen Wroblewitz ang ipinalit na bida sa movie project na ‘yon. Ibang movie raw ang gagawin ni Maureen sa kanila, na ang tema ay action. Puwede nga raw ipantapat si Maureen kina Anne Curtis, Erich Gonzales at Cristine Reyes.

Anyway sa May 15 na ang showing ng “Kuwaresma” na dinirek ni Matti, at bida si Sharon Cuneta.

Mga Sharonian todo-gastos sa ‘Kuwaresma’

Umariba na ang powers­ ng mga Sharonian para suporta­han ang kanilang idol sa bagong movie pro­ject nito, ang “Kuwaresma”. Tatlong magkakasunod na block screenings na agad ang pina-book ng mga fan ng Megastar para sa pelikula.

Base sa invitation ni Sharon sa kanyang Instagram video post, sa mismong opening day pa lang sa May 15 ay may block screening sila sa Megamall. At hindi lang isa, kundi dalawang magkakasunod na oras sa gabi. Ang isa naman ay sa SM light, EDSA corner Boni, sa May 18.

Ibig sabihin, first week pa lang ng showing ay siguradong kumita na agad ang pelikula sa support pa lang ng Sharonians.

Bianca ‘tinamaan’ sa utol ng BF ni Iza

Kapatid ng asawa ni Iza Calzado ang boyfriend ngayon ng aktres na si Bianca King.

Nag-post sa kanyang Instagram si Bian­ca ng larawan niya na kasama ang isang guwapong lalake. May kalakip na pag-ibig ang post dahil sa caption ng photo na naglagay ng red heart icon ang aktres.

Marami ang nag-comment na brother ito ni Bianca dahil sa malaki ang pagkakahawig nilang dalawa. Pero may isang follower si Bianca na nag-comment na kapatid ito ng asawa ni Iza na si Ben Wintle.

Sa isa pang comment ni @reyrolle, binanggit nito ang pa­ngalan ng lalake na si “@ralphwintle” kasunod ng IG name ni Bianca na @biangcaking.

Kaya pala madalas mag-comment si Iza sa mga post ni Bianca lalo na sa beach photos nito dahil nasungkit nito ang kapatid ng asawa ng Kapamilya actress.

Natutuwa naman ang mga supporter niya sa estado ng kanyang lovelife.

The post Maureen itatapat kina Anne, Erich, Cristine appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *