Matthew, Allison magpapakilig sa boys’ love serye

Waging-wagi talaga ang mga boys’ love serye ngayon, lalo na sa YouTube. Sangkatutak na parang mga kabute na nagsulputan.

The post Matthew, Allison magpapakilig sa boys’ love serye first appeared on Abante.

matthew allison magpapakilig sa boys love serye - Matthew, Allison magpapakilig sa boys’ love serye
Allison Asistio and Winston - Matthew, Allison magpapakilig sa boys’ love serye

Waging-wagi talaga ang mga boys’ love serye ngayon, lalo na sa YouTube. Sangkatutak na parang mga kabute na nagsulputan.

Pero ang maganda lang, kanya-kanya silang isip kung paano mas pagagandahin ang mga kuwento ng kabadingan.

Heto nga ay join na rin ang production house na Sanny Istudyo TV, dahil inilunsad na nila ang BL series na ‘Win Jaime’s Heart’ na umiikot kay Winston, isang podcaster, vlogger.

Sa kuwento ay hahanapan ni Winston ng boyfriend ang kaibigan niyang babae, pero sa ‘di inaasahang pangyayari, siya ang nahulog sa bitag ng pag-ibig.

Ang Win Jaime’s Heart ay tatakbo ng anim na episodes, at nauna nang lumabas ang trailer nito sa YouTube channel ng Sanny Istudyo TV.

Si Matthew Francisco ang gaganap bilang Winston, isang aktor at commercial model.

Mahuhulog ang karakter ni Matt na si Winston kay Jaime, isang free-spirited singer-songwriter na dinadaan ang heartbreak niya sa pagsulat ng kanta. Ang 24-taong gulang na si Allison Asistio, ang gaganap na Jaime. Kamag-anak siya ng dating Mayor ng Caloocan na si Macario “Boy” Asistio Jr.

Ang baguhang aktres na si Ramona Vega ang gaganap bilang Heart. Isang Star Magic talent si Ramona, at naging leading lady na siya sa ilang music video. Isang Palanca Award-winner ang nagsulat ng script ng Win Jaime’s Heart. Ang direktor naman nito ay si Zyril Nica Bundoc. Dahil babae ang kinuha ng Sanny Istudyo TV para magdirek, matuturing na trailblazer ang BL series na ito. Si Direk Zyril kasi ang kauna-unahang babaeng direktor na gagawa ng ganitong klaseng palabas.

Kaaabang-abang talaga itong Win Jaime’s Heart, kaya mag-subscribe na kayo sa YouTube channel ng Sanny Istudyo TV. (Dondon Sermino)

The post Matthew, Allison magpapakilig sa boys’ love serye first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *