Matteo natakam sa kilikili ni Sarah

Humanga na naman si Matteo Guidicelli sa kanyang kasintahang si Sarah Geronimo sa ganda at kaseksihan nito. Naka-post na sa social media ang bagong TVC o ad campaign ng Belo Underarm product.

The post Matteo natakam sa kilikili ni Sarah appeared first on Abante News Online.

matteo natakam sa kilikili ni sarah - Matteo natakam sa kilikili ni Sarah
Matteo Guidicelli Sarah - Matteo natakam sa kilikili ni Sarah

Humanga na naman si Matteo Guidicelli sa kanyang kasintahang si Sarah Geronimo sa ganda at kaseksihan nito. Naka-post na sa social media ang bagong TVC o ad campaign ng Belo Underarm product.

Mapapanood sa one minute ad na nag­lalakad si Sarah habang isa-isang itinataas ng mga babaeng nasa video ang kanilang mga braso, na nagliliwanag kapag naka-expose na ang kanilang mga kilikili.

Ganito rin ang ginawa ni Sarah sa huling part ng video kasama si Dra. Belo, at nagliwanag din ang kanyang underarm.

Sabi ni Matteo sa kanyang tweet kalakip ang ad campaign ni Sarah, “oh, how sexy”.

Posibleng ang mala-beauty queen na lakad ni Sarah ang nagpabuhay ng dugo ni Matteo sa paghanga sa kasintahan, o ang kilikili nito.

Sa nasabing vid, makikita namang parang beauty queen sa paglalakad ni Sarah suot ang gold body-hugging gown nito.

Hindi man nakita ang kilikili ni Sarah na natakpan ng liwanag, siguradong ilang libong beses na itong nakita ng Kapamilya actor, dahilan para magnasa ito sa tinaguriang Popstar Princess. (Rey Pumaloy)

The post Matteo natakam sa kilikili ni Sarah appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *