Matteo may pasabog sa b-day ni Sarah

Nakipagkulitan muna si Matteo Guidicelli sa kaibigang si Nico Bolzico sa birthday celebration ng ama ng boyfriend ni Sarah Geronimo bago sumabak sa training bilang Scout Ranger.

The post Matteo may pasabog sa b-day ni Sarah appeared first on Abante News Online.

matteo may pasabog sa b day ni sarah - Matteo may pasabog sa b-day ni Sarah
matteo 2 - Matteo may pasabog sa b-day ni Sarah

Jun Nardo

abante i know better jun nardo 336x224 - Matteo may pasabog sa b-day ni SarahNakipagkulitan muna si Matteo Guidicelli sa kaibigang si Nico Bolzico sa birthday celebration ng ama ng boyfriend ni Sarah Geronimo bago sumabak sa training bilang Scout Ranger.

“Posting picturews before I get my phone taken away in a few more days. This was last night during my dad’s birthday,” bahagi ng caption ni Matt.

Forty five days ang training ni Matteo at July na ang balik niya sa sirkulasyon ayon sa nauna niyang post. Kung walang bulilyaso, tapos na ang trai-ning niya in time sa birthday ni Sarah sa Hulyo. I’m sure, kaabang-abang ‘yon dahil sigurado ako na may matinding sorpresa siya sa dyowa niya, ha!

Bukod sa pag-iwan sa GF, iiwan din niya ang supporters niya pero pinaalala niyang nasa Spotify ang latest single niyang “Sundo” under Viva Records na puwedeng mapakinggan.

Samantala, sa Twitter pic ng CNN Philippines, nasa Zamboanga si Matteo at patungo sa Cotabato para sa ‘Kalintad sa Timpu sa Ramadan.’ Kasama niya sa litrato ang ilang military personnel na naka-uniporme.

Nu’ng nakaraang buwan ay nag-take ng oath ang singer-actor bilang reservist ng Armed Forces of the Phi-lippines sa Army Reserved Command (Arescom).
Seryoso talaga ang BF ni Sarah na maglingkod sa bayan, huh!

Jerome angat ang husay sa pag-arte

Swak na swak sa mga millennial ang kuwento ng Regal movie na “Finding You” na palabas ngayong araw.

Buti na lang, sina Jerome Ponce at Jane Oineza ang lead actors sa directorial debut ng writer na si Easy Ferrer. Mahusay silang dalawa lalo na sa mga eksenang nagkabistuhan na ang damdamin nila sa isa’t isa.
Of course, like the usual romantic-comedy films, may kilig na hugot pero naiiba ang konsepto nito.

‘Yun nga lang, matitindi rin ang dramahan lalo na sa parte ni Jerome dahil lumutang ang galing niya kahit baguhan pa lang siya, huh!

The post Matteo may pasabog sa b-day ni Sarah appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *