Matteo ‘di na glamoroso ang itsura

Pinabilib ni Matteo Guidicelli ang mga kasamahan niya sa industriya sa pagbahagi niya ng mga larawang kuha sa pagronda nila sa bundok. Masisilip sa Instagram ni Matteo ang mga larawan niya na naka-uniform ng camouflage, hawak ang baril habang nasa bundok ito.

The post Matteo ‘di na glamoroso ang itsura appeared first on Abante News Online.

matteo di na glamoroso ang itsura - Matteo ‘di na glamoroso ang itsura
ABANTE matteo - Matteo ‘di na glamoroso ang itsura

Ni: Rey Pumaloy

Pinabilib ni Matteo Guidicelli ang mga kasamahan niya sa industriya sa pagbahagi niya ng mga larawang kuha sa pagronda nila sa bundok. Masisilip sa Instagram ni Matteo ang mga larawan niya na naka-uniform ng camouflage, hawak ang baril habang nasa bundok ito.

May ilang larawan ding walang higaan ang aktor sa pamamahinga nila sa bundok.

Tuluyan ngang nawala ang gla-mour ng showbiz sa itsura ni Matteo. May ilang mga kaibigan nito sa showbiz ang nagbiro na parang eksena lang sa pelikula ang itsura ni Matteo sa mga photo.

“Astig” ang tingin ng mga kapwa artista ni Matteo sa buhay nito sa kasalukuyan.

Pumayat na nang husto ang aktor at hindi nito alintana ang hirap nang pinagdaanan na malayo sa masarap niyang buhay sa showbiz.

The post Matteo ‘di na glamoroso ang itsura appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *