Matteo, Cristine, Alma mananakot sa ‘Kagat ng Dilim’

Ang bongga ng bagong show ng TV5 at Viva Films, ang Kagat ng Dilim, dahil puro big star agad ang isasabak nila sa matinding takutan.

The post Matteo, Cristine, Alma mananakot sa ‘Kagat ng Dilim’ first appeared on Abante.

matteo cristine alma mananakot sa kagat ng dilim - Matteo, Cristine, Alma mananakot sa ‘Kagat ng Dilim’
abante matteo - Matteo, Cristine, Alma mananakot sa ‘Kagat ng Dilim’

Ang bongga ng bagong show ng TV5 at Viva Films, ang Kagat ng Dilim, dahil puro big star agad ang isasabak nila sa matinding takutan.

At sobrang bongga na apat na direktor din ang magpapasiklaban sa kani-kanilang episode, ha!

Kanya-kanyang panakot sa kanilang mga episode ang mga direktor na sina Richard Somes, Law Fajardo, Paul Basinillo, at Rae Red.

At yes, mapapanood sa kanilang mga obra sina Matteo Guidicelli, Cristine Reyes, Mark Anthony Fernandez, Maui Taylor, Gardo Versoza, Meg Imperial, Jeral Napoles, Marco Gallo, Diego Loyzaga, Julian Trono, McCoy de Leon, Kim Molina, Ella Cruz, Cindy Miranda, Nathalie Hart, Benj Manalo, at Alma Moreno.

Kaloka lang ang kuwento ni Direk Law na sa taping nga raw nila ay may isang staff na biglang nagwala dahil sinapian. Si Direk Somes naman ay umamin na pagkatapos nilang mag-taping ng isang episode, natakot siyang mag-isang matulog sa kuwarto niya sa hotel. Tungkol nga raw sa exorcism ang kinunan niya at hanggang sa pag-uwi sa hotel ay ramdam niya ang pagtayo ng kanyang mga balahibo.

Well… (Dondon Sermino)

The post Matteo, Cristine, Alma mananakot sa ‘Kagat ng Dilim’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *