Matteo bagong jowable ni Kim Molina

Year 2016 ay nag-tandem ang Viva Entertainment at TV5 sa reality-singing competition na “Born To Be A Star”.

The post Matteo bagong jowable ni Kim Molina first appeared on Abante.

matteo bagong jowable ni kim molina - Matteo bagong jowable ni Kim Molina
kim 5 - Matteo bagong jowable ni Kim Molina

Year 2016 ay nag-tandem ang Viva Entertainment at TV5 sa reality-singing competition na “Born To Be A Star”.

Dito nga nagsimula ang career ni Janine Teñoso na kinikilala ngayon bilang OST Princess.

At ngayong Enero 2021, magbabalik ang “Born To Be A Star” para magbukas ng oportunidad sa mga nangangarap maging sikat na singer, na sama-sama ngang bububuuin ng Viva, TV5, Sari-Sari at Cignal.

At bongga rin ang mga host nila, dahil magsasama ang Jowable na si Kim Molina, at Matteo Guidicelli. Oh, di ba, ang bilis ng pag-angat ng career ni Kim, dahil partner na siya agad ni Matteo.

Huling nagsama ang dalawa bilang mga judge detective sa Masked Singer Pilipinas.

Makakasama naman ni Janine Teñoso bilang Star Judge si Teacher G (Georcelle Sy), ang rap icon at singer-songwriter na si Andrew E., Sam Concepcion at Katrina Velarde.

Mula sa 40 na nag-audition, 18 na ang napili, na agad tutuloy sa boot camp kung saan sasabak sila sa training under Star Mentors na sina Thyro, Wency Cornejo, at Mark Bautista na kapwa eksperto sa pag-perform, pagsulat ng kanta, at paggawa ng areglo ng musika.

Sisiguraduhin ng programa na kahit sinoman ang mapauwi ay may baon pa ring bagong kaalaman.

Ang grand champion ay tatanggap ng P1M at recording at management contract mula sa Viva.

Magsisimula ang “Born To Be A Star” sa Jan. 30, 2021, 7pm sa TV5. (Dondon Sermino)

The post Matteo bagong jowable ni Kim Molina first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *