Matteo aapir sa Cinemalaya closing?

Wala sa presscon ng “Mina-Anud” ng Regal Entertainment, Inc. noong Friday si Matteo Guidicelli, kaya ang tanong tuloy, sa closing night kaya ng Cinemalaya 2019 kung saan clo­sing film ang nasabing pelikula nila nina Dennis Trillo, Jerald Napoles at iba pa ay magpakita na kaya ang boyfriend ni Sarah Geronimo?

matteo aapir sa cinemalaya closing - Matteo aapir sa Cinemalaya closing?
ABANTE matteoG - Matteo aapir sa Cinemalaya closing?

abante anything goes jun lalin 336x224 - Matteo aapir sa Cinemalaya closing?Wala sa presscon ng “Mina-Anud” ng Regal Entertainment, Inc. noong Friday si Matteo Guidicelli, kaya ang tanong tuloy, sa closing night kaya ng Cinemalaya 2019 kung saan clo­sing film ang nasabing pelikula nila nina Dennis Trillo, Jerald Napoles at iba pa ay magpakita na kaya ang boyfriend ni Sarah Geronimo?

In fairness, like the other main characters ay bidang-bida rin daw ang character na ginagampanan ni Matteo sa pelikula.

Inspire by a true story ang “Mina Anud” na nangyari raw sa Samar noong 2009 kung saan ay may mga napadpad na cocaine sa lugar na ‘yon na dahilan para “magbago” ang buhay ng ilang mga tao roon.

May isang friend ako na napanood na ang “Mina-Anud” at well-made at well-acted by the cast daw ang nasabing pelikula na tiyak daw na ikaka-proud ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde as producers.

Maine-Carlo movie wish suportahan gaya ng KathDen

Dahil tutok ang marami sa kinikita ngayon ng “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, tiyak na tututukang mabuti rin ang kikitain ng pelikula nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na co-production naman ng Black Sheep at APT Entertainment, ang “Isa Pa With Feelings”.

Ang hiling­ ng fans ni Maine, sana raw at tulungan din ng GMA-7 ang ABS-CBN sa pagpo-promote ng pelikulang ‘yon.

Ang tindi rin kasi ng ginawang pagpo-promote ng Kapuso network sa “Hello, Love, Goodbye” dahil kasama roon ang artista nila, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *