Masanay na kayo: Miley Cyrus binira ang mga basher

Masaya umano ang aktres na si Miley Cyrus sa “dating life” kaya dapat masanay na ang publiko.

masanay na kayo miley cyrus binira ang mga basher - Masanay na kayo: Miley Cyrus binira ang mga basher
Miley Cyrus - Masanay na kayo: Miley Cyrus binira ang mga basher

Masaya umano ang aktres na si Miley Cyrus sa “dating life” kaya dapat masanay na ang publiko.

Sa isang thread sa Twitter noong Oktubre 5, 2019, nilabas ng mang-aawit ang saloobin niya tungkol sa pambabatikos ng mga netizen sa pakikipag-date nito, wala pang dalawang buwan matapos makipaghiwalay sa dating asawang si Liam Hemsworth.

“I know the public feels invested in my past relationship because they felt like they saw it thru from the beginning…but I am grown now and make choices as an adult knowing the truth/details/reality,” panimula nito.

Binanatan din ni Miley ang mga nambabatikos o nangsa-slut shame sa mga babaeng aktres ngunit pinupuri ang mga lalaking aktor.

“They are usually referenced as “legends”, “heart throbs”…where women are called sluts/whores,” himutok nito.

“If we can’t beat em, join em,” dagdag niya.

Ayaw din umano ni Cyrus na makipag-date sa bahay dahil boring umano ito at hindi siya komportable sa ganun.

At panghuli, sinaad ni Miley na bago lang din sa kanya ang “dating” at hiniling na ‘wag siyang kaawaan ng publiko.

“I was in a committed relationship for almost All (sic) my teens and early 20s,” kwento ni Miley.

“I have a great life I wouldn’t trade for “privacy” but PLEASE don’t make this awkward for me!…Get used to me dating – this is where I am at!,” wakas niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *