Mas fierce, ready sa daring roles Gabbi ‘di napabebe

Mas fierce, ready sa daring roles Gabbi ‘di napabebe

Limang taon pa lang sa showbiz si ­Gabbi Garcia bilang isang ­Kapuso. Pero hindi lamang malalaking ­programa ng GMA-7 ang ipinagkakatiwala sa kanya ng network, bilang celebrity endorser ay masasabing nakagawa na rin siya ng ­sariling pangalan.

mas fierce ready sa daring roles gabbi di napabebe - Mas fierce, ready sa daring roles Gabbi ‘di napabebe
gabbi garcia 1 - Mas fierce, ready sa daring roles Gabbi ‘di napabebe

Ni: Rose Garcia

Limang taon pa lang sa showbiz si ­Gabbi Garcia bilang isang ­Kapuso. Pero hindi lamang malalaking ­programa ng GMA-7 ang ipinagkakatiwala sa kanya ng network, bilang celebrity endorser ay masasabing nakagawa na rin siya ng ­sariling pangalan.

“My journey in showbiz is spontaneous, surprising, pure hardwork,” paglalarawan ni Gabbi sa kanyang career.

Dugtong pa niya, “Up to now, I will ­always look back ‘yung time na inasam ko na ito ang posisyon ko and right now ­naman, looking at my co-actors, you wanna work harder, you wanna be more motivated para mas maging successful sa industriya.”

Wala naman daw pagsisisi si Gabbi na dahil sa pag-aartista niya, nade-delay ang pagtatapos niya ng pag-aaral.

“Hindi naman ako nagre-regret kasi, everybody has purpose in life and for me, right now, the perfect timing and the ­perfect purpose is this one. It doesn’t mean naman na papabayaan ko ‘yung iba kong priorities, iba kong commitments.”

Nang mag-debut pa lang si Gabbi, sinabi na niyang graduate na siya sa mga ­teeny-bopper at mga pa-cute na role.

Mas daring at mature na rin ang atake niya sa karakter niya at sa team-up nila ni Derrick Monasterio sa bago niyang serye, ang “Beautiful Justice” na magsisimula nang mapanood sa September 9, kunsaan silang tatlo nina Bea Binene at Yasmien Kurdi ang mga bida.

Sabi ni Gabbi, “It’s a breath of fresh air. It’s our first time working together na kaming tatlo. Something refreshing in a way, tatlong babae na mag-a-action scene.”

“Sino ba si Gabbi? Siguro, people are tagging me as maarte. Alam ko naman ‘yun, maarte ako, innate. Kikay ako… I love clothes, I love makeup. Pero, never akong mag-iinarte sa trabaho.

“I’m a very hardworking person. I’m a family-oriented person. I’m just confident with the values that my parents taught me.”

Marami nga ang nakakapansin na super sexy, palaban o super daring, fierce ang dating, at higit sa lahat, malakas ang sex appeal niya sa mga boylet.

Masama ang ugali,
isnabera sa mga fan?

Napa-‘malala!’ si Gabbi nang tanungin namin ito kung ano ang pinaka-matinding isyu na ibinato sa kanya. Pero, ang adjusting period daw ang pinaka-naging malaking challenge sa kanya dahil una sa lahat, zero knowledge raw siya sa showbiz at hindi naman siya galing sa angkan ng mga artista.

Ano ang pamba-bash na natanggap na halos iniyakan na niya?
“Ayoko kasing sabihin baka bumalik na naman sila,” natawang sabi niya.

“Pero ‘yung snob daw ako, masama raw ang ugali ko. Tapos, hindi ko alam kung saan nila napulot. Mga ganoong bagay na hindi mo maintindihan noong una bakit ganito but when you grow in the industry, you get to open your mind and instead na damdamin mo, you just do your job and prove to them na I’m just working.”

Nasaktan kay Ruru

Ilang taon din ang itinagal ng love team ni Gabbi kay Ruru Madrid at marami rin ang naging follower ng GabRu.

Pero nagwakas din ito agad at kung paniniwalaan ang mga kakabit na balita sa pagkawala ng love team nila, sinasabing hindi ito nag-end na okay pa rin sila.

“Building the fans, the fandom,” ang unang nasambit ni Gabbi nang tanungin namin kung ano ang “bitter-sweet memories” ng GabRu sa kanya.

“Until now, may mga fans pa rin and I’m always thankful to them because they also gave us the chance to grow as an actor.”

Sa tanong kung okay pa rin siyang makatrabaho o makaparehang muli si Ruru, nagpakatotoo naman si Gabbi sa pagsasabing ibang mga actor muna.

“For now, I’m willing to work with different actors muna. Let’s explore first. I’ve been in the love team for three, four years, it’s time to ­explore.”

Diretsahan naming tinanong si Gabbi na once and for all, nasaktan din ba siya sa nangyari sa kung ano mang relasyon o samahan meron sila noon ni Ruru?

“Na-hurt ba ‘ko? There are times, yes. Tao lang din naman, you get hurt,” pag-amin niya.

“But I’ve moved-on, I’m really happy now, masaya na lahat ng parties. There’s nothing to be ­hurtful and worry about pa and to be stuck there na ma-hurt ka nang ma-hurt, tapos na.”

Bawal sa ‘harutan’ kay Khalil

Dalawang taon naman na ang relasyon ni Gabbi sa Kapamilya star na si Khalil Ramos. Ang constant communication daw ang isa sa nakikita niyang sikreto ng relasyon nila.

“Constant communication at hindi kami nangengealam sa individual na buhay ng isa’t isa,” saad niya.

“We respect each other’s individuality and individual space also and we choose to have a smart relationship. We prefer to being smart when it comes to our ­decision. Decision para maging better ‘yung relationship or mag-aaway lang tayo, so du’n kami sa for the better.

“We stay low-key as much as ­possible,” sabi niya.

“Yes, we do vlogs, we have a movie right now but when it’s work, work. Hanggang dito lang ang personal namin.”

Dugtong pa niya, “Well, for others nagwu-work ‘to, pero hindi kasi kami you and me against the world. Maraming factor ang buhay ng isa’t isa. Okay ang both families.”

Wala rin daw silang matinding pinag-awayan. Kung meron man daw, nireresolba rin nila agad.

Kumpara sa ibang showbiz couple, kahit nasa legal age na, hindi pa rin daw pinapayagan si Gabbi ng mga magulang na mag-out-of-the-country na silang dalawa lang ni Khalil.

Okay sa kanya ‘yun?

“Well you know, I’m not a teenager anymore. Of course, I also want to travel with Khalil alone. But if that’s the decision of my parents, I’ll respect it and I will learn to like it.

“Right now, I actually ­understand it fully. At first, hindi ko maintindihan, bakit ba ganyan? Bakit kaya? Ano ba ang pro­blema? Don’t they trust me? Pero ­habang nagma-mature ka, you choose to ­respect the decision of your pa­rents rather than go against their ­decision.”

It girl na, global endorser pa

Si Gabbi lang sa Kapuso network ang may titulong “It Girl” at “Global Endorser”.

“Nakaka-overwhelm,” nakangiting sabi niya.

“Actually, noong una nilang tinag ‘yun sa akin, tinanong ko. ‘Totoo ba?’ Like, are you guys sure that you’ll gonna be tagging me? Yes daw… sabi ko, ‘okay, I trust you. You’re the one honing me and I trust my management.’

“It’s just really overwhelming and at the same time, you have a big ­responsibility also.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *