Martin Nievera handang mag-perform sa SEA Games nang libre

Patas ang naging tingin ni Martin Nievera sa isyu ng pagbabayad na aabot sa 50 milyong piso, o isang milyong dolyar, sa magpi-perform o magtatanghal sa darating na Southeast Asian Games, na ang Pilipinas nga ang magiging host country.

martin nievera handang mag perform sa sea games nang libre - Martin Nievera handang mag-perform sa SEA Games nang libre
martin 8 - Martin Nievera handang mag-perform sa SEA Games nang libre

Patas ang naging tingin ni Martin Nievera sa isyu ng pagbabayad na aabot sa 50 milyong piso, o isang milyong dolyar, sa magpi-perform o magtatanghal sa darating na Southeast Asian Games, na ang Pilipinas nga ang magiging host country.

Subalit ninanais din sana ng nasabing world class Pinoy artist na parehas din sana ang trato sa mga Pinoy performer kapag ang mga ito naman ay naimbitahan sa ibang bansa para mag-perform sa isang malaking event, gaya ng SEAG.

Bilang isang mahusay na Filipino entertainer, performer, singer at hinahangaan din naman sa ibang bansa, hindi na dapat pang lumayo ang mga local producer, organizer sa paghahanap pa ng ibang magbibigay-aliw, kasiyahan sa mga foreign visitor.

Narito ang buong komento at opinyon ni Martin sa ipinadala niyang mensahe sa Facebook Messenger nang kunin namin ang kanyang opinion:

MARTIN NIVERA: “It’s really hard to put a price on artists we only see on social media and television and only hear in our playlists. As a local artist how I wish we could be given the same rates and importance and respect that we give to our visitors, not only here at home, but also when we ourselves become the visitors in their country. In a perfect world this would be so, but there is nothing perfect in this world especially in showbiz.

“We should always welcome any and every artist from every country around the world, big star or small. That’s just plain Filipino hospitality, but local producers should also know and realize that sometimes maybe you don’t need to look too far to find the perfect artist or artists for their respective events. I would have done it for free.

“So would a long list of other Filipino performers. It would be an honor. Just saying…”

Samantala, hinihintay lang ni Ogie Alcasid ang official statement ng grupo nilang OPM kaugnay sa isyu, bago siya magbigay ng kanyang opinyon o komento. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *