Martin nanawagan kay Ramsay: Pops gustong makaharap si Derek

Naku, Dondon (my dear editor), tutal naman si Jojie Dingcong ang president ng Showboxx Media na producer ng “eXes & whYS with Pops and Martin” new show ng Colours channel ng CignalTV at siya naman ang manager ni Derek Ramsay, magawan kaya ng paraan na makapag-guest doon ang hunk actor?

The post Martin nanawagan kay Ramsay: Pops gustong makaharap si Derek first appeared on Abante.

martin nanawagan kay ramsay pops gustong makaharap si derek - Martin nanawagan kay Ramsay: Pops gustong makaharap si Derek
Derek - Martin nanawagan kay Ramsay: Pops gustong makaharap si Derek

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 1 1 300x180 - Martin nanawagan kay Ramsay: Pops gustong makaharap si DerekNaku, Dondon (my dear editor), tutal naman si Jojie Dingcong ang president ng Showboxx Media na producer ng “eXes & whYS with Pops and Martin” new show ng Colours channel ng CignalTV at siya naman ang manager ni Derek Ramsay, magawan kaya ng paraan na makapag-guest doon ang hunk actor?

Kung sina Pops Fernandez at Martin Nievera kasi ang tatanungin, gusto sana nilang makapag-guest sa new cable musical/tall show nila si Derek.

Saka para once and for all ay matuldukan na rin naman ang maling pagli-link nina Pops at Derek, ‘noh?!

Sana magawan nga ng paraan ‘yon at mapagpaalam ni Jojie sa GMA 7 big boss ang tungkol doon at exciting din naman kung makakatsikahan nina Pops at Martin si Derek sa “eXes & whYS with Pops and Martin”, huh!

Sa virtual presscon nga pala nina Pops at Martin noong Wednesday, nagkaroon muna kami ng technical rehearsal habang nasa Reliance studio ako ng CignalTV (ako ang host ng event) at nasa bahay naman sila ng Concert King sa Alabang kasama ang panganay nilang si Robin Nievera na siyang direktor nila sa show.

Sa technical rehearsal, tinanong ko na si Pops kung ano ang gagawin ko kung tanungin siya ng entertainment press tungkol sa intriga sa kanila ni Derek, kung “haharangin” ko ba ‘yon, pero sabi naman ng Concert Queen, ok lang, para ma-clear na rin naman ang tungkol doon.

“Wala akong dapat ika-guilty, not true at all, kaya ok lang, para ma-address ko na rin ‘yung maling issue sa amin ni Derek!” sey ni Pops.

So, at least, malinaw na nga na walang relasyon sina Pops at Derek at hindi talaga siya ang dahilan ng break-up ng hunk actor kay Andrea Torres, ‘noh?!

Si Martin naman ay may pabirong panawagan kay Derek na isoli na mga hiniram na sasakyan sa kanya.

Anyway, bukas na ng 9:00PM ang pilot telecast ng “eXes & whYS with Pops and Martin” sa Colours channel sa CignalTV, pero puwede n’yo ring mapanood ‘yon ng libre sa Cignal Play app kung ida-download ‘yon ng adroid and IOS users.

Pero kung gusto naman ninyong magpakabit ng CignalTV, puwede kayong tumawag sa 8888-5555, 0949-9977600 to 7603 or email sales@cignal.tv.

Oo nga pala, going back kina Pops at Martin, love team pa rin ang turing sa dalawa ng maraming fans!

Si Manay Lolit Solis nga ay nagpasabi pa sa ex-couple na kahit ano pa ang mangyari, fave love team daw niya ang dalawa, huh!

Ang bongga!

Paalala nga pala ni Pops, ang “Louie O. LIVE! with Robin Nievera naman nina Louie Ocampo at Robin ay sa Sunday, 9:00PM naman magpa-pilot telecast sa Colours!

Aktor consultant ng prodyuser

Totoo ba na hindi lang basta show ang in-offer sa isang aktor kaya nagdesisyon itong lumipat na naman ng TV network?

Kinuha rin daw consultant ng production company na producer ng kanyang sitcom ang aktor.

‘Yun ang tsika ng comedian/TV host na kilalang sobrang close sa aktor na kalilipat lang uli ng TV network.

“Ang alam ko, may in-offer sa kanyang position. Consultant yata,” sabi ni comedian/TV host nang makatsikahan ko kamakailan.

Aba, ang bongga.

Teka! Kasosyo ni aktor sa isang showbiz-related business ang isang hunk actor, hindi kaya bumalik din sa TV network na ‘yon ang huli at sundan ang una?

Ma-check nga ang contract ni hunk actor sa current TV network niya.

Anyway, sa showbiz naman, ganoon lang, palipat-lipat, papalit-palit. Paikot-ikot lang naman.

Ang importante lang, you don’t burn bridges, para kapag iniwan mo ang isang TV network, puwede ka pa namang makabalik doon in the future!

Agree, Dondon?!

The post Martin nanawagan kay Ramsay: Pops gustong makaharap si Derek first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *