Martin, Gary, Regine, Dimples sama-sama sa pagpapaligaya ng mga guro

Bilang isang dekada na rin kaming bahagi ng Gabay Guro, wish din naming makita ang mga gurong totoo namang “deserving” na mabigyan ng pagkakataon na mapasaya ng naturang advocacy group ng mga empleyado ng PLDT-Smart.

martin gary regine dimples sama sama sa pagpapaligaya ng mga guro - Martin, Gary, Regine, Dimples sama-sama sa pagpapaligaya ng mga guro
martin 6 - Martin, Gary, Regine, Dimples sama-sama sa pagpapaligaya ng mga guro

Ambes Nabus Ambuzzz 336x224 - Martin, Gary, Regine, Dimples sama-sama sa pagpapaligaya ng mga guroBilang isang dekada na rin kaming bahagi ng Gabay Guro, wish din naming makita ang mga gurong totoo namang “deserving” na mabigyan ng pagkakataon na mapasaya ng naturang advocacy group ng mga empleyado ng PLDT-Smart.

Medyo dumarami kasi ang reklamo ng ilang mga grupo ng teachers and schools na tila raw nabibiktima ng ilang LGUs at DepEd na siyang nag-screen at namimigay ng mga ticket sa mga teacher’s fest ng Gabay Guro.

May paliwanag dito ang paborito naming Chairperson at puso at utak ng Gabay Guro na si Madam Chaye Cabal-Revilla. Sabi niya, “when we partnered with the DepEd, the district supervisors and the LGUs, we trust them naman to do the right thing. Kasi sa distribution ng mga ticket, hindi na po namin sila pinapakialaman. Sana na lang, may takot sila sa Diyos to do the right thing.”

At para nga maiwasan ito, gumawa na sila ng “app” para mawala na ang favoritism. Sa pamamagitan daw ng QR code na personal lamang na naka-assign sa phone mo, mas parehas ang pagkakaroon ng isang teacher ng chance na makakuha ng ticket na siyang pinaka-passport nga para maka-attend sa naturang pagtitipon at ma-qualify sa lahat ng raffle at prizes na ipamimigay.

“Sa iyo mismo ipapadala ang ticket basta teacher ka at meron ka ng ganu’ng app,” sey pa ni Madam Chaye.

Sino ba naman kasi ang hindi magkandarapa na makasali sa taunang event na ito kung sa mga celebrity-volunteers pa lang ay panalo ka na? Mula kina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Jaya, nandiyan din sina Kyla, Piolo Pascual, Gabby Concepcion, Christian Bautista, Pops Fernandez, Ian Veneracion, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Aegis, Jed Madela, Kuh Ledesma, Maymay Entrata, Darren Espanto, pati na ang BakClash at Broadway Boys ng “Eat Bulaga”.

Hosts ng regular program sina Dimples Romana, Wally Bayola, at Jose Manalo, habang ang inyong lingkod, kasama ang ilan pa ay magsisilbing mga pre-programming host.

Kaya tara na at bisitahin na ang webpage ng Gabay Guro for more info.

Mabilis ding pinabulaanan ng aming mga kapatid sa PLDT at Smart ang kumalat na tsismis na diumano’y walang silbi ang mga ipinamigay na i-phone X ng kompanya sa GILAS team na naglaro sa China kamakailan. Hindi raw kasi nagamit ng naturang mga team member ang phone.

“Not true. It works. It’s just China has a very strict communication policy. You will need to download and be connected to a VPN app to be able to use data. At saka long time ago pa na issue ang mga fones sa kanila at ginamit na nila even before China,” sey ng mga kausap namin.

Well, since meron tayong mga “friends” na members ng Team GILAS, pinabulaanan din nila ito at sinabing nagamit nila ang naturang regalong fone.

As I personally experienced it during my two times coverage of Miss International pageant, mahigpit talaga ang China sa kagayang isyu.

We remember na pinuntahan, kinatok at sinita pa kami ng security police sa aming mga hotel rooms dahil lang sa gumagamit kami ng internet at Wi-Fi. Hahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *