Marriage proposal peke:‘Di ako nakikipag-date kay Piolo – KC

Sa ‘ask me a question’ si KC Concepcion sa kanyang Instagram, at isa nga sa tinanong sa kanya ay; ‘Is it true that you’re dating Piolo?’

The post Marriage proposal peke:‘Di ako nakikipag-date kay Piolo – KC first appeared on Abante.

marriage proposal pekedi ako nakikipag date kay piolo kc - Marriage proposal peke:‘Di ako nakikipag-date kay Piolo – KC
abante kc 2 - Marriage proposal peke:‘Di ako nakikipag-date kay Piolo – KC

dondon sermino 6 - Marriage proposal peke:‘Di ako nakikipag-date kay Piolo – KCSa ‘ask me a question’ si KC Concepcion sa kanyang Instagram, at isa nga sa tinanong sa kanya ay; ‘Is it true that you’re dating Piolo?’

At ang sagot ni KC: “Nope! Sorry…”

Iginiit din ni KC na single siya.

Well, ang dami kasing vlogger ang nagpapakalat ng fake news, na kesyo nagkabalikan, at ang bagong paandar nila ay nag-propose na raw si Piolo kay KC, ha!

Siyanga pala, ang pagsuporta sa mga farmer ang ikinakampanya ni KC ngayon. Hinihikayat niya ang mga Filipino na bumili at kumain ng gulay, para makatulong sa mga magsasaka.

Well…

Pokwang bilib sa bait ni Jimuel Pacquiao

Puring-puri ni Pokwang ang anak nina Jinkee at Manny Pacquiao na si Emmanuel Pacquiao, Jr., aka Jimuel. Feeling nga niya ay ‘apo’ niya si Jimuel, dahil di ba nga, kayang-kaya ni Pokwang na gayahin si Mommy Dionesia Pacquiao, ang nanay ni Manny, o lola ni Jimuel.

“I love this kid hahahaha maganda pagpapalaki niyo Sen. @mannypacquiao and @jinkeepacquiao sa mga anak ninyo. Napaka- humble na bata nakakatuwa @pacquiao.emmanuel. Abangan siya sa @chikabeshtv5 soon…. ako po kasama nya hindi si Mommy D hahaahaa!” pabirong chika ni Pokwang.

Chika Besh (@chikabeshtv5) • Instagram photos and videos
1,492 Followers, 9 Following, 98 Posts – See Instagram photos and videos from Chika Besh (@chikabeshtv5)

Well, ang Chika Besh ay napapanood sa TV5, at kasama ni Pokwang sa show na ito sina Ria Atayde at Pauleen Luna.

Nanay ni Lloyd may 1.16M YouTube subscriber na

Umabot na sa 1.16M ang subscribers ng nanay ni Lloyd Cadena, ang sikat na vlogger na pumanaw kamakailan lang, si Mother Kween Vlogs, o Lorita Cadena.

Mula sa 300,000 subscirbers noong August 21, na kung saan ay nag-post pa si Lloyd na kinu-congratulate nito ang ina, triple nga ang itinaas nito, bilang tugon na rin sa panawagan ng marami na suportahan ang vlog ni Mother Kween, bilang tulong na rin.

“Kuya oh, 1 million na po si Mommy Lorita Cadena. Sure na sure po kaming lahat na masaya ka po kuya. Dahil isa rin po `yan sa mga gusto mo, di ba? We love you Kuya, and we miss you,” sabi ni Jerico Delena, isa sa mga kamag-anak ni Lloyd.

Anyway, maraming kaibigan na vlooger si Lloyd na nag-post ng mga video sa kani-kanilang mga vlog, na ang kikitain ay ibibigay sa mga naiwan nito.

The post Marriage proposal peke:‘Di ako nakikipag-date kay Piolo – KC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *