Marlo na-trauma sa TnT

Sa 2-part vlog na nilabas ni Marlo Mortel sa kanyang YouTube account, nag-tell-all ito kung ano nga ang nangyari at nabuwag ang loveteam nila dati ni Janella Salvador.

marlo na trauma sa tnt - Marlo na-trauma sa TnT
Marlo Mortel 2 - Marlo na-trauma sa TnT

Rose Garcia Ansabeh 21 336x175 - Marlo na-trauma sa TnTSa 2-part vlog na nilabas ni Marlo Mortel sa kanyang YouTube account, nag-tell-all ito kung ano nga ang nangyari at nabuwag ang loveteam nila dati ni Janella Salvador.

Naipareha na si Janella sa iba at naging boyfriend pa nga ang ipinalit kay Marlo na si Elmo Magalona. Pero sa tell-all ni Marlo, inamin niyang hindi niya alam kung bakit binuwag ang loveteam nila. Inisip din niyang hindi ba siya good enough para manatiling ka-loveteam ni Janella.

Natakot din daw siya na baka yun na, wala na siyang career.

“I still look at the bright side, at least, nakapag-start ako ng career ko. Naging successful din naman ako. Hindi rin naman doon nagtapos, nagkaroon pa kami ng movie, ang Haunted Mansion.”

Pero hindi ikinaila ni Marlo na after ng Oh MY G, akala raw niya, katapusan na niya, wala na siyang career kaya ganun na lang ang pasasalamat niya sa Umagang Kayganda.

Inamin na rin niya na pinaka-heartbreaking daw sa kanya yung nangyari sa kanya sa Tawag ng Tanghalan na sa kabila ng binigay niya ang best niya at papuring narinig galing na rin sa ibang contestants, natalo pa rin siya.

Pag-amin ni Marlo, “Hindi ko sinasabi ‘to dahil bitter ako. Sabi ko nga, sanay na ko sa rejection lalo na kapag nakikita ko naman na deserve ng iba. Noong panahon na yun, parang nabuwag ako, hindi ako magsisinungaling. Hindi ako magpapaka-plastic talaga.

“Kita naman sa screen, hindi sa hindi ako marunong tumanggap ng pagkatulo. Pero, why? I don’t think I deserve that score.

“Na-hurt akong talaga. Ito na lang ba ang fate ko, lagi na lang tao?

“It broke my spirit.”

***

Soberano protektado ng mga fan

Sunod-sunod ang mga artistang nag-post ng blackout image sa kanilang mga social media account without caption bilang pagsalungat ‘Anti-Terrorism Bill’. Yung iba, may mga hashtag na #JunkTerrorBillNow.

“Please do not take away our voices our basic human rights!” sey ni Liza Soberano.

Ni-retweet din ni Liza ang report ng ABS-CBN news na, “Hontiveros to House, Palace: Why prioritize anti-terror bill over COVID-19 measures?”

Dahil sa sunod-sunod na tweet na ito ni Liza, mas lalo niyang napahanga ang mga netizen. Ilan sa mga comment ay, “Protect Liza Soberano sobrang proud ako sayo dito mangga!”

“You’re the first local celeb I have seen standing for our human rights. our freedom of speech.”

“Where do I sign up to become a Liza stan?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *