Mark ‘di ikinahiya ang video scandal

Sa presscon ng Bihag, nag-enjoy ang entertainment press sa pakikipagtsikahan kay Mark Herras dahil very open siya sa pagsagot sa lahat ng mga itinanong sa kanya.

The post Mark ‘di ikinahiya ang video scandal appeared first on Abante News Online.

mark di ikinahiya ang video scandal - Mark ‘di ikinahiya ang video scandal
mark 2 - Mark ‘di ikinahiya ang video scandal

abante anything goes jun lalin 336x224 - Mark ‘di ikinahiya ang video scandalSa presscon ng Bihag, nag-enjoy ang entertainment press sa pakikipagtsikahan kay Mark Herras dahil very open siya sa pagsagot sa lahat ng mga itinanong sa kanya.

Hindi lang sa hiwalayan nila ni Winwyn Marquez naging generous sa pagsagot si Mark dahil pati ‘yung sex video siya kung saan nagma-masturbate siya ay no holds barred niyang sinagot.

Inamin nga ni Mark na siya ‘yung lalaki sa video at parang 18 years old pa lang siya nang mangyari ‘yon.

Hindi naman daw niya ikinaila ang bagay na ‘yon.

“Totoo ba na Koreana ang ka-chat niya sa video na ‘yon na inire-record na pala ang ginagawa niya?” tanong ko.

“Oo nga raw, Koreana raw. Hahaha!” natatawang sabi ni Mark.

In fairness, hindi niya ikinahihiya ang nangyaring ‘yon na nagsilbing isa sa lessons niya in life.

Biniro ko rin si Mark na at least, pareho sila ng Bihag co-star niyang si Jason Abalos na may sex video scandal, huh!

Tawa na lang nang tawa si Mark.

Anyway, inusisa ko rin siya sa sinasabing noong sila pa ni Winwyn ay nag-live-in daw talaga sila, kaya nagalit sa kanya si Joey Marquez (tatay ni Winwyn).

“No. Hindi kami nag-live-in. Sa Dad niya nakatira si Winwyn,” sey ni Mark.

Samantala, masaya si Mark na may regular series na naman siya, ang Bihag, na magsisimulang umere sa Monday sa Afternoon Prime ng GMA 7 at kapalit ng My Special Tatay.

Iba rin daw ‘yung may regular series dahil ‘yon ang gusto niyang gawin.

“Ang tagal din bago nasundan ‘yung The Cure. Pero happy ako. That time na wala akong regular series, madalas ako sa mga out of town basketball events.

“Madalas din na nagsasayaw ako sa Studio 7. Pero medyo asiwa na rin naman ako na nagsasayaw dahil 32 years old na ako. Kapag kasama ko sa dance number si Miguel Tanfelix at ‘yung iba pa na mas bata sa akin, parang naaalangan na rin ako.

“So ngayon, mas gusto ko na lang itong nagte-taping at happy na may Bihag nga,” sey pa ni Mark.

Ruffa humiling ng dasal para kay Lorin

After ng Bihag presscon, nagyaya naman sa akin si Annabelle Rama na dumeretso sa Greenhills, San Juan dahi magkasama sila ni Mother Lily Monteverde na nagdi-dinner.

Pagdating ko sa Gloria Maris, tsika kaagad si Mother Lily.

“Magkikita naman tayo bukas sa presscon (ng The Stranded nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde)?” tanong sa akin ng producer ng Regal Entertainment, Inc. na mukhang very bubbly na uli.

Binigyan ko si Mother Lily ng rosary na pina-bless pa kay Pope Francis, kaya very thankful siya.

May mga kasama sina Mother Lily, Tita Annabelle at Eddie Gutierrez sa dinner na ‘yon.

Very rich friend ni Tita Annabelle from Davao ang kasama nila at mukhang updated ito sa showbiz.

Banggit ito nang banggit ng mga pelikula at sinabi pang kumita ang isang pelikulang ginawa ni Mother Lily na kasosyo pa ang isang movie outfit.

Dialogue ni Mother Lily, “Nalugi ako ng 10 million sa pelikulang ‘yon!”

Hahaha!

In fairness to Mother Lily, siya ‘yung tipo ng movie producer na kapag kumita, very happy, at kapag nalugi naman, umaamin, ‘noh?!

Nang makaalis na si Mother Lily, humirit ang kaibigan ni Tita Annabelle na gusto niyang mag-produce ng indie movie pero muntik akong malaglag sa kinauupuan ko nang banggitin niyang P350,000 lang ang budget niya.

What, THREE HUNDRED FIFTY THOUSAND PESOS for a indie movie? Naku, kung ganyan kaliit ang gastos, magpo-produce na rin ako, huh!
Hahaha!

In fairness, pati si Tita Annabelle ay naaliw sa sinabi ng kanyang kaibigan!

Anyway, from the dinner, dumeretso si Tita Annabelle sa isang hospital dahil pupuntahan daw niya ang apong si Lorin (panganay ni Ruffa Gutierrez).

May sakit daw si Lorin at naka-confine nga sa hospital.

Kahapon naman, nag-text si Ruffa at sinabing, “Dearest family & friends,

Please pray for Lorin & her speedy recovery. We are checked in at ________ (name ng hospital) right now. Lorin had emergency operation for her appendicitis at 2am. We all haven’t slept. Hopefully we can check out tomorrow.”
Lorin, get well soon!

The post Mark ‘di ikinahiya ang video scandal appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *