Mark beauty queen ulit ang dyowa

Bayolente ang reaction ng isang netizen nang malaman nito kung sino ang bagong girlfriend ng Kapuso actor na si Mark Herras.

The post Mark beauty queen ulit ang dyowa appeared first on Abante News Online.

mark beauty queen ulit ang dyowa - Mark beauty queen ulit ang dyowa
ABANTE mark - Mark beauty queen ulit ang dyowa

Bayolente ang reaction ng isang netizen nang malaman nito kung sino ang bagong girlfriend ng Kapuso actor na si Mark Herras.

Nicole Donesa ang name ng nababa­litang bagong girlfriend ni Mark at kasama ito sa GMA afternoon teleserye na “Bihag.”

Sumali itong si Nicole sa Binibing Pilipinas 2013 at nakuha nito ang special award na Miss Philippine Airlines. Next siyang sumali sa Miss World Phi­lippines in 2014 at naging 3rd Princess ito.

Lumaki sa Amerika si Nicole pero dito na siya sa Pilipinas nakapagtapos ng kanyang degree na Bache­lor of Arts in Communication sa Angelicum College.
Noong maging talen­t na siya sa GMA-7, lumabas siya sa mga show na “Kambal Sirena”, “Bubble Gang”, “Contessa”, “Sherlock Jr.” at “Magpakailanman.” Mahusay ring kumanta si Nicole at nakasama siya sa “Kitchen Musical.”

Wala pang kinukumpirma si Mark kung totoo ngang GF na niya si Nicole na nakilala siya sa set ng “Bihag”. Pero ito ang ilan sa pinost ng netizen tungkol sa bagong girlfriend ni Mark:

“Puro lovelife si Mark, sila na agad ni @nicole_donesa, etong si Nicole, pumatol agad, mabilis makuha hahahaha hindi tumulad sa co-star na matagal na sa relationship @thejasonabalos @maxcollinsofficial @itssophiealbert.”
Huling nakarelasyon ni Mark si Winwyn Marquez. (Ruel Mendoza)

The post Mark beauty queen ulit ang dyowa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *