Marjorie to da rescue sa anak

Pinagtanggol ni Marjorie Barretto ang kanyang anak na si Julia Barretto sa pagkakasangkot nito sa paghihiwalay ‘di umano nila Gerald Anderson at Bea Alonzo.

The post Marjorie to da rescue sa anak appeared first on Abante News Online.

marjorie to da rescue sa anak - Marjorie to da rescue sa anak
abante Marjorie Barretto  - Marjorie to da rescue sa anak

Pinagtanggol ni Marjorie Barretto ang kanyang anak na si Julia Barretto sa pagkakasangkot nito sa paghihiwalay ‘di umano nila Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Kumalat noong nakaraang Sunday ang isang cryptic message ni Bea sa Instagram tungkol sa mu-ling paggawa ng pagkakamali ng isang tao. Marami ang nakahula na si Gerald ang tinutukoy ni Bea at kumalat na nga ang balitang naghiwalay na ulit sila.

Ang tinuturong dahilan daw ng kanilang paghihiwalay ay walang iba kundi si Julia.

Si Julia naman ay hiwalay na rin sa boyfriend nitong si Joshua Garcia.

Ayon sa isang netizen na si @cabrera.kath, nakunan niyang magkasama sina Gerald at Julia sa birthday party ni Rayver Cruz. Kahit daw magkahiwalay na sasakyan ang dalawa, may kakaibang kilos daw sina Gerald at Julia sa party. Pinost ng netizen ang photo ng dalawa sa kanyang Instagram at tinag pa niya ito kay Bea. Ni-like naman ni Bea ang post nito.

Nagsimulang ma-link si Julia kay Gerald pagkatapos nilang gawin ang pelikulang “Between Maybes” na kinunan pa sa bansang Japan.

Nag-react agad si Marjorie sa pag-akusa kay Julia ng naturang netizen.

“@cabrera.kath Please explain too that this was taken at the party of Rayver. That you zoomed in this photo. If you care to zoom out, you Will See that they were a big group that includes my nephew. I dont See anything wrong in this photo. They dont seem to be hiding. There are people around, and if im not mistaken, Julia was waving at someone. This is not a date.

They know each other, they have worked together, they are friends,” depensa pa ni Marjorie para sa anak.

Nagkaroon naman ng sari-saring reaction ang ilang netizen sa pagiging defensive ni Marjorie kay Julia.

“Damage control na si mamshie. Pero goodbye, limelight yan si julia. Balik na lang siya mga after 5 years.”

“Mudra to the rescue!” (RMen­­doza)

The post Marjorie to da rescue sa anak appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *