Marjorie talunan sa ‘Ghost Buster’ ni La Greta

Nag-fiesta nga ang mga fan last Sunday dahil sa ginawa ni La Greta sa sisteret niyang si Marjorie Barretto.

marjorie talunan sa ghost buster ni la greta - Marjorie talunan sa ‘Ghost Buster’ ni La Greta
ABANTE majj - Marjorie talunan sa ‘Ghost Buster’ ni La Greta

Sumuko agad:

Nag-fiesta nga ang mga fan last Sunday dahil sa ginawa ni La Greta sa sisteret niyang si Marjorie Barretto.

Ginamit kasing ‘bio’ ng nanay ni Julia Barretto ang salitang ‘Ghost Writer’. ‘Yun nga ang inakusa ni Gretchen Barretto nu’ng nag-issue ng statement si Julia na panlaban kay Bea Alonzo. Sabi nga ni Greta, may ‘Ghost Writer’ raw si Julia, kaya ang ganda ng pagkakasulat nito ng bira kay Bea.

At ‘yun na nga, biglang ginamit ni Greta ang salitang ‘Ghost Buster’ na pantapat sa ‘Ghost Writer’ ni Marjorie.

Pero, ilang minuto lang ang nakalipas, biglang binura na agad ni Marjorie ang ‘Ghost Writer’. Meaning, suko agad siya sa pambubuwisit ni La Greta sa kanya.

Eh, ang Gretchen, super enjoy sa mga mensahe sa kanya ng mga fan, na tuwang-tuwa nga sa paglaban niya sa mag-inang Marjorie at Julia. Team Gretchen nga raw sila, at ‘yon ay dahil sa pagkampi nito kay Bea.

At ang bongga ni Greta, dahil nirereplayan niya ang mga nagme-message sa kanya, ha!

Kabog, ‘di ba? Biglang naging positibo si Greta dahil sa pagkampi niya kay Bea!
Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *