Marjorie pagod na sa mga basher

Sa halip na patulan at sagutin lahat ng mga basher ng anak niyang si Julia Barretto, nag-post na lang si Marjorie Barretto sa kanyang Instagram ng mga larawan kasama ang ilan sa kanyang mga anak, mga kapatid, magulang at pamangkin.

marjorie pagod na sa mga basher - Marjorie pagod na sa mga basher
abante Marjorie Barretto - Marjorie pagod na sa mga basher

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Marjorie pagod na sa mga basherSa halip na patulan at sagutin lahat ng mga basher ng anak niyang si Julia Barretto, nag-post na lang si Marjorie Barretto sa kanyang Instagram ng mga larawan kasama ang ilan sa kanyang mga anak, mga kapatid, magulang at pamangkin.

Mula nang sumulpot ang balitang nagkaka-mabutihan na sina Julia at Gerald Anderson kasunod nang pasabog ni Bea Alonzo na iniwan siya sa ere ng a­ktor, nang wala man lang formal breakup, kinuyog na ng mga basher ang una.

Kung ano-anong panlalait ang naranasan nina Julia at Marjorie sa social media. May mga nagpakalat pa ng mga larawan nina Gerald at Julia na magkasama sa isang hotel. Siyempre, to the rescue si Marjorie.

Anyway, sa halip na isa-isahin ni Marjorie ang pagresbak sa mga kalaban ng anak, ipinakita na lang niya ang get-together nilang mag-anak.

Tila ipinamumukha ni Marjorie sa mga hater na solid ang support system ng kanyang mga kadugo.

Asahang mas iinit ang isyu sa mga Barretto sa nalalapit na pagbukod ni Julia ng tirahan na ipinagawa niya. Tiyak na susubaybayan ng mga fan ang pagbisita ni Gerald sa dalaga.

K Brosas ‘di sabik sa lalaki

Iginiit ni K Brosas na masaya siya sa kanyang pagrampa nang mag-isa sa Germany. Matapos mag-show sa Israel kasama si Angeline Quinto, dumiretso na si K sa Europe para magliwaliw mag-isa.

Sa post nito sa isang outdoor resto habang nakahawak ng wine glass, sinabi ng Kapamilya comedienne na hindi isyu sa kanya kung wala siyang kasama.

“At sa paulit-ulit na nagtatanong YES masaya po ako mag isa. Kung travel lang ako para malungkot, ano kaya yon??” sabi ni K.

Ayon kay K, hindi niya puwedeng isama ang anak na si Crystal sa abroad dahil nag-aaral ito at may tinatapos na thesis.

Nirerespeto raw ng anak niya ang pagkakaroon ng “alone time”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *