Marjorie naiyak sa pag-alis ni Julia

Finally ay tapos na ang pinagagawang bahay ni Julia Barretto at ready na rin siyang lumipat sa kanyang bagong bahay.

marjorie naiyak sa pag alis ni julia - Marjorie naiyak sa pag-alis ni Julia
marjorie - Marjorie naiyak sa pag-alis ni Julia

Finally ay tapos na ang pinagagawang bahay ni Julia Barretto at ready na rin siyang lumipat sa kanyang bagong bahay.

Ibinahagi ng kanyang ina na si Marjorie Barretto sa Instagram story na all smiles si Julia habang nag-iimpake para sa paglipat nito ng bahay.

“She’s happily getting settled in her home, and i’m starting to feel (sad teary eyes emoji).”

Well, hindi nga maitatanggi ang hating emosyon ni Marjorie bilang ina kay Julia.

Masaya at malungkot ang nararamdaman ni Marjorie dahil hindi na niya kasama sa isang bubong ang anak pero masaya rin ito para sa anak dahil pinaghirapan nga nito sa trabaho ang pagpapagawa ng bahay.

Anyway, magkalapit lang naman ang kanilang bahay na mag-ina. Kaya hindi na masyadong worried ang supportive mom ni Julia. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *