Marjorie itinanggi ang hotel escapade nina JuRald

Itinodo na ni Marjorie Barretto ang depensa para sa anak na si Julia Barretto na napaparatangang inagaw kay Bea Alonzo si Gerald Anderson.

The post Marjorie itinanggi ang hotel escapade nina JuRald appeared first on Abante News Online.

marjorie itinanggi ang hotel escapade nina jurald - Marjorie itinanggi ang hotel escapade nina JuRald
ABANTE marj - Marjorie itinanggi ang hotel escapade nina JuRald

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Marjorie itinanggi ang hotel escapade nina JuRaldItinodo na ni Marjorie Barretto ang depensa para sa anak na si Julia Barretto na napaparatangang inagaw kay Bea Alonzo si Gerald Anderson.

Nagposte si Marjorie sa kanyang Instagram ng mga patunay ng mga schedule ni Julia para pasinu-ngalingan ang mga tsismis at ipagdiinang mali ang mga date.

Sa unang frame ng IG post nito ay ang shoo-ting schedule ni Julia sa pelikula ng kanyang anak at ni Gerald Anderson noon, ang “Between Maybes”.

“Facts, April 12, 2019: Between Maybes shooting in Subic. Location: Sagara Villas.”

May kanya-kanyang dressing room ang mga artista kasama ang kanilang mga personal assistant.

“Each actor provided one room each as standby area with personal assistants, glam team and production staff coming in and out of their respective rooms.”

Sumunod ay ang shooting ni Julia sa suspense-action thriller movie nito.
“April 13, 2019: BLOCK Z shoot in GAMA STUDIO.”

Sa sumunod na frame makikita ang larawan ni Julia na may dedication letter nito sa pananatili nito sa Segara Hotels. Nilagyan ng underline ang date na April 13.

Ang katabing larawan naman ay si Gerald na may kaakbay na lalaking nakasalamin. Naka-underline ang date na parehong araw nang pananatili ni Julia sa hotel.

Ang ikatlong frame ay nakasulat ang “April 12, Subic shooting actor and actress Gerald Anderson and Julia Barretto.”

Ang ikaapat na frame ay larawan ng back-view ni Julia habang kinukunan ang eksena nito sa “Block Z” na may naka-arrow na date April 13, na pinoste ng direktor ng pelikula na si Mikhail Red.

Pinalalabas ni Marjorie na gawa-gawa ang magkaparehong date ng pananatili nina Julia at Gerald sa Segara Hotel, gayong may shooting ng “Block Z” si Julia nu’ng mga araw na ‘yun sa GAMA studio.

Pokwang ayaw magbigay ng datung sa mga fan

Humihingi ng pasensya si Pokwang sa mga nagdi-direct message sa kanya sa Instagram, na humihingi ng financial help. Nag-post ang komedyante ng larawan ni Padre Pio para sabihing dasal lang ang puwede niyang maibigay sa mga nanghihingi sa kanya ng tulong-pinansyal.

Tahasang sinabi ni Pokwang na hindi siya makakapagbigay ng pera sa mga humihingi sa kanya ng tulong dahil marami rin siyang obligasyon sa buhay at ibang tinutulungan na mga tao.

“Kung kasing yaman lang sana ako ng ilan kong mga kaibigan agad agad po at hindi ko kayo bibiguin. Si Padre Pio or saint Pio ang a­king nilalapitan para sa inyong mga humihingi ng tulong sakin, pinagdadasal ko po kayo.

Yun lamang po ang kaya kong ibigay sorry po,” sabi ni Pokwang.

Si Pokwang lang ang may lakas ng loob na harapin ang mga dumadaing ng financial help sa kanya at sabihing hindi niya kayang magbigay.

Naintindihan naman ng ilang mga follower ni Pokwang at humihiling na lang ng dasal para sa kanilang paggaling.(REY PUMALOY)

The post Marjorie itinanggi ang hotel escapade nina JuRald appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *