Marjorie ipinarada ang mga happy photo with Mommy Inday

Ang latest post ni Marjorie Barretto na kasama ang kanyang ina na si Inday Barretto ang nagpapatunay na ‘in good terms’ sila, at walang katotohanan na mas pinili ng nakatatandang Barretto ang Ate Gretchen Barretto nila!

marjorie ipinarada ang mga happy photo with mommy inday - Marjorie ipinarada ang mga happy photo with Mommy Inday
marj1 - Marjorie ipinarada ang mga happy photo with Mommy Inday

Dondon Sermino Paistaran 33 336x224 - Marjorie ipinarada ang mga happy photo with Mommy IndayAng latest post ni Marjorie Barretto na kasama ang kanyang ina na si Inday Barretto ang nagpapatunay na ‘in good terms’ sila, at walang katotohanan na mas pinili ng nakatatandang Barretto ang Ate Gretchen Barretto nila!

Well, mas okey na rin na walang pinapanigan si Inday Barretto. Na ang pagtingin niya sa kanyang mga anak ay pantay-pantay na lang.

Na para sa ikatatahimik ng kanyang pamilya, mas makabubuting pakisamahan na lang niya nang pantay-pantay ang lahat ng kanyang mga anak, kasama na ang mga apo.

“There are good days, and there are bad days… yesterday was good. Thank you Lord,” ang sabi lang ni Marjorie sa mga photo na kasama niya ang kanyang ina, anak na si Dani Barretto, at mga apo, at iba pang kamag-anak.

“Siyempre nanay sya e kaya wala yan papanigan. Ang gusto lang niyan at the end of the day magkasundo-sundo kayo,” sabi ni Julai Alexa.

“Sana tuloy-tuloy na,” hirit ni Reden26.

Pero siyempre, may mga fan na ayaw paawat sa pagsulsol kay Marjorie, o tipong nangpu-provoke na naman para mag-react ang kabilang kampo.

“Screen Shot Queen can’t relate,” saad ni Regina Georgea.

“Ignore your sister who needs help… stay strong and positive,” hirit naman ni Amber_yt.

Well, habang sinusulat ito, wala pang bagong post si Gretchen Barretto sa Instagram niya, pero sa mga huling IG story niya ay makikitang happy lang talaga siya sa bakasyon niya sa SanFo, kasama ang anak na si Dominique Cojuangco, at dating aktres na si Ana Abiera.

Elisse nagkapasa sa bugbugan

Sa nipis ng mga katawan, at kutis nila, hindi mo nga iisipin na nakipagbugbugan sila, o kinaya nilang makipagsapukan sa mga kalaban nila sa iWant series na “You Have Arrived”.

Pero, kuwento nga ni Elisse Joson, magugulat daw talaga ang mga fan dahil sa mga ginawa nila.

“Looks could be deceiving nga raw. Kasi magugulat talaga kayo, na makikita niyo on how to be able to transform ourselves. Nagkapasa-pasa nga ang mga katawan namin,” kuwento ni Elisse.

Anyway, ang sikreto nga pala ng makunis na kutis ni Elisse ay ang Cathy Doll, ang sikat na skincare brands sa Thailand, na nandito na nga sa Pilipinas. Si Elisse nga ang brand ambassador nito.

#CathyDollR2WxElisse is the campaign name of Cathy Doll Philippines. With a sweet, thoughtful and caring personality that radiates confidence, Elisse surely embodies the brand Cathy Doll, a brand that is praised by Filipinas for its quick and effective results, budget-friendly price and creative packaging designs.

That instant whitening benefit is why it’s called “Ready 2 White” and the user will be ready to show off a whiter and brighter skin after the first application.

Cathy Doll Ready 2 White Series is for every Filipina who wants to get their glow on and achieve radiant, glowing skin.

To hear more about this campaign, follow Cathy Doll Philippines on Facebook @cathydollphils.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *