Marj ibinidang super close pa rin kay Mommy Inday

Totoo talaga ang kasabihang ‘walang inang makakatiis sa anak’, at kitang-kita ‘yan sa Instagram post ni Marjorie Barretto.

marj ibinidang super close pa rin kay mommy inday - Marj ibinidang super close pa rin kay Mommy Inday
marj - Marj ibinidang super close pa rin kay Mommy Inday

Totoo talaga ang kasabihang ‘walang inang makakatiis sa anak’, at kitang-kita ‘yan sa Instagram post ni Marjorie Barretto.

Nakabalandra sa IG ni Marjorie ang larawan nila ng kanyang mga kapatid at ilang pamangkin, kasama ang kanyang ina na si Inday Barretto.

Lumalabas na maayos ulit ang samahan nina Marjorie at ng kanyang ina, na napabalitang nakasamaan niya ng loob kamakailan.

Malinaw ang pruweba sa mga larawan na kuha mismo sa bahay ni Marjorie, at karga-karga pa ni Mommy Inday ang unang apo nito sa tuhod sa panganay na anak ni Marj na si Dani.

Tila ito nga ang pantapat ni Marjorie sa mga posting ni Claudine Barretto na kasama niya ang kanilang ina. Ipinakita nga ni Claudine na naka-lunch niya nu’ng isang araw si Mommy Inday matapos nilang dalawin ang abo ng kanilang ama na si Miguel Barretto.

Mapapansin din na bukod kay Mommy Inday ay pinakikisamahan din ni JJ Barretto ang magkabilang kampo, kampo ni Marj, at kampo nina Gretchen at Claudine.

Makikita rin na kasama ni Marj si JJ. Na madalas ding kasama nina Gretchen at Claudine.

Well, feeling ko ay hindi pa tapos ang isyu ng mga Barretto dahil siguradong may mga buntot pa na patutsadahan na lalabas. Lalo na at nag-post na nga si Marj ng photo na kasama si Mommy Inday.

Hinala ng mga malilisyosang isip, ang pakikipagbati ni Marjorie sa mommy nila ay para ipakita kina Claudine at Gretchen na kakampi pa rin niya ang kanilang ina, at para patunayan pa rin sa dalawa na siya pa rin ang pinakamabuting anak. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *