Maris, Inigo malabong magbalikan

Sa obserbasyon ko, hanggang ‘on-cam’ na lang talaga ang MarNigo o Maris Racal at Inigo Pascual. Malabo na nga silang magkabalikan.

The post Maris, Inigo malabong magbalikan first appeared on Abante.

maris inigo malabong magbalikan - Maris, Inigo malabong magbalikan
marnigo - Maris, Inigo malabong magbalikan

Sa obserbasyon ko, hanggang ‘on-cam’ na lang talaga ang MarNigo o Maris Racal at Inigo Pascual. Malabo na nga silang magkabalikan.

Anyway, bagamat magkasama sila sa pelikulang ‘Boyette: Not A Girl, Yet’ na bida si Zaijian Jaranilla, hindi pa rin naibalik ang dati nilang samahan na halos araw-araw nag-uusap.

Aminado ang dalawa na kapag may trabaho sila na magkasama, doon lang sila nagkakausap. Hindi nga tulad noon na kahit hindi sila nagkikita, nag-uusap sila sa cellphone, nagkukumustahan maya’t maya.

“Yeah, hindi nga kami masyadong nagkakausap hindi tulad noon. Pero, sa personal naman, kapag nagkikita kami, nagkukumustahan naman kami. Minsan nasi-share pa rin niya sa akin ang music niya, mga bago niyang songs.

“Ganun pa rin naman ang friendship. Pero, hindi lang kami nagha-hang out o nag-uusap na tulad noon,” sabi ni Inigo.

“In person, pag may work doon lang kami nag-uusap. Pero pag wala, hindi na masyado. Kasi, wala na! Pero at least, hindi kami magkaaway!” saad naman ni Maris. (Dondon Sermino)

The post Maris, Inigo malabong magbalikan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *