Mariel de Leon kinuhang modelo sa NYC

Handang-handa na si Mariel de Leon na rumampa sa New York City dahil isa na siya sa mga modelo ng True Model Management sa NYC base sa inilabas niyang balita sa kanyang Instagram.

The post Mariel de Leon kinuhang modelo sa NYC appeared first on Abante News Online.

mariel de leon kinuhang modelo sa nyc - Mariel de Leon kinuhang modelo sa NYC

abante i know better jun nardo 336x224 - Mariel de Leon kinuhang modelo sa NYCHandang-handa na si Mariel de Leon na rumampa sa New York City dahil isa na siya sa mga modelo ng True Model Management sa NYC base sa inilabas niyang balita sa kanyang Instagram.

Hindi akalain ni Mariel na ang “bigger” girl na tulad niya ay matutupad ang pangarap na mabigyan ng pagkakataon na makapag-model sa US.

Bahagi ng post ng former Bb. Pilipinas-International, “I grew up being surrounded by + seeing + hearing what the public and media said was model worthy,’ ‘beauty queen worthy’ or even just ‘beautiful’ thinking that I’m supposed to drastically change myself into something that I’m not just so I could ‘fit in’ or succeed.”

Eh Asian din siya kaya ‘yung tsansang maging modelo sa Amerika eh hindi ganoon kadali.

“Well thank God times have changed and the industry is now more diverse and accepting the different types of women and men! No Matter the size, color, race or background: YOU ARE BEAUTIFUL AND YOU ARE WORTHY!” saad pa ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Sa katuparan ng pangarap ni Mariel, “Now, I am strong and confident woman I’ve always wanted to be. Or should I say ‘confidently beautiful and thick!’”

Kahit pumirma na sa True Model Management, artist pa rin ng LVD Ma-nagement si Mariel.

Ilan sa bumati sa kanya ay sina Pia Wurtzbach at Katarina Rodriguez.

Hayan, k­ering keri nang tarayan ni Mariel ang lumalait sa pagiging “malaki” niya, huh!

The post Mariel de Leon kinuhang modelo sa NYC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *