Mariel de Leon ‘di nangangapa sa New York

Noong October 21 lang natuloy pa-New York si Mariel de Leon at hanggang kahapon nga na ka-message ko siya ay nagje-jet lag pa raw siya.

mariel de leon di nangangapa sa new york - Mariel de Leon ‘di nangangapa sa New York
mariel de leon 1 - Mariel de Leon ‘di nangangapa sa New York

Noong October 21 lang natuloy pa-New York si Mariel de Leon at hanggang kahapon nga na ka-message ko siya ay nagje-jet lag pa raw siya.

Ang aga raw niyang nagigising.

“I’m okay. Still adjusting. Jet lag pa rin,” sabi ni Mariel.

You live with your Kuya Gabriel?

“Yes I live with him for now. But im looking for an apartment,” sabi ni Mariel.

At least, kasama ni Mariel ang kuya niya, kaya hindi naman siya “nangangapa” dahil hindi siya mag-isa roon.

Next month, pupuntahan si Mariel ng nanay niyang si Sandy Andolong at two weeks itong mag-i-stay sa New York.

Claudine walang masamang tinapay kay Ruffa

Noong isang araw ay pinost ni Ruffa Gutierrez sa Instagram (@iloveruffag) ang cover ng isang glossy magazine kung saan kasama siya at ilan pang bigating artista.

Caption ni Ruffa: “What an honor & privilege for me to be a part of this extraordinary cover surrounded by ageless, strong, independent women who have made an impact in beauty and fashion throughout the years. Happy 30th Anniversary, Metro!”

Isinama rin ni Ruffa sa caption ang pinost ng glossy magazine na ‘yon sa sarili nilang IG account kung saan ay sinabing, “We are thrilled to kick off the reunion with the fierce and ageless Vanguards: Angel Aquino, Charlene Gonzalez-Muhlach, Claudine Barretto, Dawn Zulueta-Lagdameo, Joey Mead King, Judy Ann Santos-Agoncillo, Lucy Torres-Gomez, Mikee Cojuangco-Jaworski, Ruffa Gutierrez, and Tweetie de Leon-Gonzalez.”

May isang nag-comment ng, “Woah Claudine is also there pala. I’m glad both of u were ok.”

Sinagot naman ‘yon ni Ruffa ng, “For the record, Claudine has always been sweet, polite and kind to me & my family.”

May ibang mga sumagot sa comment na ‘yon at may nag-away pa, pero sabi ng mga obvious na mga fan ni Claudine, thank you raw kay Ruffa for her kind words sa bunso ng Barretto sisters.

Actually, mabait naman talaga si Claudine kay Ruffa at sa kanyang pamilya. Actually, during the pictorial for that cover, sobrang tsikahan ang dalawa kasama pa ang ibang mga kasali sa cover shoot na ‘yon.

Good vibes nga raw ang lahat, kuwento sa akin ni Ruffa that time.

Actually, alam mo, Dondon, mabait af matsika naman talaga si Claudine.

Noong nagkasama nga sila ni Richard Gutierrez sa isang movie project with Anne Curtis at nag-location shooting sila sa Los Angeles, California ay very caring ang aktres.

Naging close ko nga rin that time si Claudine at mabait talaga ang pagkakakilala ko rito.

Pops, Martin sa US magpa-Pasko

Kahapon ay katsikahan ko si Pops Fernandez.

Pinaghahandaan na niya ang pagpunta sa Amerika on December dahil sa second leg ng “Two-gether Again” concert series nila ni Martin Nievera.

Sa ngayon, may four shows na sila at hindi ako magtataka kung madagdagan pa ‘yon.

Bale sa Amerika na sila magki-Christmas, pero after ay babalik din ng bansa dahil may New Year countdown naman sila sa Solaire.

Maganda nga pala ang samahan nina Pops at Martin dahil kahit ex-couple sila ay naging good friends naman sila, huh!

Ang ganda lang na makita sila na walang bitterness, ‘noh?!

Ang bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *