Maricel Morales nanlumo sa pagkatalo, Jaycee Parker bumenta sa Angeles

Habang nanlulumo sa kanyang pagkatalo bilang vice mayor ng Angeles City ang dating aktres at nanungkulan rin nilang councilor sa nasabing siyudad na si Maricel Morales, ninanamnam naman ng dating sexy star at member ng Viva Hotbabes na si Jaycee Parker ang pagwawagi niya bilang councilor sa nasabing lungsod.

The post Maricel Morales nanlumo sa pagkatalo, Jaycee Parker bumenta sa Angeles appeared first on Abante News Online.

maricel morales nanlumo sa pagkatalo jaycee parker bumenta sa angeles - Maricel Morales nanlumo sa pagkatalo, Jaycee Parker bumenta sa Angeles
ABANTE jaycee parker - Maricel Morales nanlumo sa pagkatalo, Jaycee Parker bumenta sa Angeles

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Maricel Morales nanlumo sa pagkatalo, Jaycee Parker bumenta sa AngelesHabang nanlulumo sa kanyang pagkatalo bilang vice mayor ng Angeles City ang dating aktres at nanungkulan rin nilang councilor sa nasabing siyudad na si Maricel Morales, ninanamnam naman ng dating sexy star at member ng Viva Hotbabes na si Jaycee Parker ang pagwawagi niya bilang councilor sa nasabing lungsod.

Ibinalita ito sa amin ng kaibigan niyang si Ara Mina via text.

Si Jaycee ay dating nangangampanya at nagsu-show sa mga political rallies, pero ngayon ay isa nang ganap na public servant.

Samantala, talo man ang ama niyang si Chuck Mathay sa pagka-mayor ng Quezon City, wagi naman ang kapatid nito sa ama na si Chris Mathay bilang councilor sa San Juan City.

Hindi ganap ang pagkabigo nina Ara at ng kanyang ama sa politika, dahil may isa pang nagtagumpay sa pamilya.

Panalo pa rin ang ex-boyfriend ni Ara at ama ng kanyang anak na si Mandy, na si Patrick M­eneses bilang vice mayor ng Bulakan, Bulacan. Siyam na taong nanungkulan bilang mayor si Patrick.

Nakipag-tandem siya sa kapatid na tumakbo namang mayor. Pero sa kasamaang palad, natalo ang kanyang brother.

Sa pagkakalaglag ng buong pamilya ng mga Estrada-Ejercito sa political arena after all these years, sumakto ang tweet ni Karen Davila tungkol dito.

Walang tinutukoy ang Kapamilya news anchor sa kanyang tweet tungkol sa buong pamilya at angkan na pumuwesto sa politika, pero ganito ang laman ng mensahe nito:

“One thing is clear. Dynasties end.”

Sinabi naman nito sa isa pa niyang tweet na sina Vico Sotto, Isko Moreno at Francis Zamora ang pinakamalaking nanalo sa local election race.

Pinadapa ni Vico ang Eusebio sa Pasig, si Isko nama’y ang beteranong si Joseph “Erap” Estrada at si Francis ang mga Estrada.

Ang tatlo ay tumakbong mayor sa kanilang mga respective cities.

Hiling ni Adrian Alandy: Malaglag si Bong sa Magic 12
Kanya-kanyang reaksyon ang mga artista sa resulta ng halalan. Nagbunyi si Ai-Ai delas Alas sa Instagram post niya sa pagkakapuwesto ng mga ikinampanya niyang mga senador na sina Bong Go at iba pang nasa tiket nito.

Natuwa rin at pinasalamatan ni Ai-Ai ang mga taga-Pasig sa pagkakahalal ng mga ito kay Vico Sotto bilang bagong Mayor.

Mas gusto naman ni Adrian A­landy (Luis Alandy), na pumasok sa Magic 12 si Sen. JV Ejercito kaysa kay ex-Sen. Bong Revilla. Sa kanyang tweet, umaasa sa milagro ang cast ng “Kadenang Ginto” na malagpasan ni Sen. JV si ex-Sen. Bong na pumupuwesto sa unofficial slot na 12.

***

Bea, Kristoffer dismayado sa resulta ng eleksyon
Dismayado naman ang Kapuso stars na sina Bea Binene at Kristoffer Martin sa resulta ng eleksyon.
Idinadaan ng dalawang young actors ang pagtutol nila sa election results at kinukuwestyon ng dalawa ang ginawang pagpili ng mga Pinoy, pero bahag naman ang buntot ng dalawang stars dahil wala silang pinangalanang pulitiko na ayaw at gusto nilang manalo.
Nagpahayag naman ng kanilang suporta sa kung sino man ang mauupo sa Senate seat ngayon sina Kakai Bautista at Rocco Nacino.
Sa kanilang tweet, nagpakumbaba at nagsabi ang dalawa na irerespeto nila ang inihalal ng bayan.
Si Kakai, sinabi nito sa Twit na gagawin na lang niya ang obligasyon niya bilang mamamayang Pilipino gaya ng pagbabayad ng tax, pagsunod sa batas at hindi pagkakalat sa kalye.
Pinuri sina Kakai at Rocco sa malawak na pang-unawa nila sa botohan.

The post Maricel Morales nanlumo sa pagkatalo, Jaycee Parker bumenta sa Angeles appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *