Marian umayaw sa GMA serye

Mas minabuti na ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na sa kanya na mismo manggaling ang katotohanan at dahilan kung bakit nag-back-out na siya sa gagawing primetime series, ang My First Yaya ng GMA Network.

The post Marian umayaw sa GMA serye first appeared on Abante.

marian umayaw sa gma serye - Marian umayaw sa GMA serye
Marian Rivera 1 - Marian umayaw sa GMA serye

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Marian umayaw sa GMA seryeMas minabuti na ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na sa kanya na mismo manggaling ang katotohanan at dahilan kung bakit nag-back-out na siya sa gagawing primetime series, ang My First Yaya ng GMA Network.

Isang bagay na hindi na nakapagtatakang mangyari, lalo na kung kilala talaga ang actress. Safety first dahil family first talaga sa kanya.

“Siyempre, mahirap man sa akin, sinabi ko talaga ang totoong dahilan. Alam ko talaga na ang My First Yaya ay hinulma talaga sa akin. Nang makausap ko ang GMA, tinanong ko sila kung ano ang protocol nila. Sinabi nila, may lock-in, hindi na muna uuwi. Parang Descendants… na nandoon na lahat.

“Gustong-gusto kong gawin ang My First Yaya, nakakasa na ko riyan. Buong puso at isip ko, nakalaan ako na gagawin ko ‘yan. Nagkataon lang na may pandemya tayo ngayon kaya nasabi ko talaga, siguro, hindi pa ito ang time.”

***

Gabby may balat sa puwet

Naunawaan naman daw ng leading man niya sana na si Gabby Concepcion ang dahilan niya. Yun nga lang, sabi namin kay Marian, parang lagi silang nauudlot at hindi talaga natutuloy ni Gabby.

“Oo nga, ‘di ba? Kaya inaasar ko siya na may balat siya sa puwet! Hindi kami matuloy-tuloy, hahaha!

“Pero, magka-text naman kaming dalawa, naiintindihan naman niya. At ang mahalaga, nagpaalam ako ng maayos sa kanya. Kasi siyempre, alam ko kung gaano rin siya ka-excited na gawin itong My First Yaya and then, naudlot na naman kami, hayun… sayang!

“Eh, nakakatakot namang lumabas. Ano ba ang gagawin ko?”

Sabi pa niya, “Mabuti na rin na nagkaroon tayo ng ganito (virtual presscon) kesa yung naba-blind-item ako na mapapalitan ako, ayoko. At least, diretso na sa akin.

“Hindi ko magagawa ang My First Yaya, kasi, ‘eto ang mga dahilan ko at sana, maintindihan din ng mga nagmamahal sa akin. At yun din ang sinasabi ko, I’m very thankful to GMA sa sobrang pagmamahal at pag-iintindi nila sa akin.”

Sabi pa rin ni Marian, kung nagkataon daw siguro na nangyari itong pandemya na may asawa siya, pero wala siyang mga anak, baka raw siguro puwede pa niyang gawin.

“Eh, may mga anak ako at pagkatapos ang liliit pa. Eh, hanggang ngayon, padede mom pa rin ako.”

Habang naka-lock down naman sa bahay, masasabing productive pa rin si Marian. Bukod sa ngayon niya nagagawa ang pagiging full-time mommy at wife, tuloy-tuloy lang din ang kanyang Flora Vida by Marian na business at nag-aaral din daw siya (online class), bukod pa sa magsisimula rin siyang mag-online class kay Heny Sison.

The post Marian umayaw sa GMA serye first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *