Marian umalma! Dingdong, Jennylyn teleserye ibu-boykot ng mga fan

Kung may ilang mga fan na umaapela sa pagkakapili ng GMA kay Jennylyn Mercado para maging leading lady ni Dingdong Dantes sa “Descendants of the Sun”, aprubado naman daw ito sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

marian umalma dingdong jennylyn teleserye ibu boykot ng mga fan - Marian umalma! Dingdong, Jennylyn teleserye ibu-boykot ng mga fan
DOTS - Marian umalma! Dingdong, Jennylyn teleserye ibu-boykot ng mga fan

Ni: Rose Garcia

Kung may ilang mga fan na umaapela sa pagkakapili ng GMA kay Jennylyn Mercado para maging leading lady ni Dingdong Dantes sa “Descendants of the Sun”, aprubado naman daw ito sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Oo naman, oo naman,” sabi niya.

Kahit ang mga fan nila, siya pa rin talaga ang pinu-push na gumanap bilang Dra. Maxine.

“Palagi naman, kahit hindi tungkol sa soap na ‘yan, magkausap na talaga kaming dalawa ni Jen.”

Naniniwala naman si Marian na hindi nila fans ang nagsasabing ibo-boycott ang DOTS dahil hindi siya ang natuloy na leading lady.

“Hindi ako naniniwala na sinasabi ‘yan ng mga totoong DongYan. Kasi, ang mga DongYan, hindi makikitid ang utak.

“Kung sino ang partner namin, alam namin na 100% na sinusuportahan nila.”

Sa Linggo, magbabalik naman na si Marian sa “Sunday PinaSaya” pero siya na rin ang nagsabing sa teleserye, hindi pa muna. Posibleng next year raw kung makakagawa na siya.

Pero bago pa siya magbalik nang tuluyan sa telebisyon, sunod-sunod ang mga naging endorsements ni Marian. At ang pinakabago, ang pagiging very first endorser niya ng isang malaking supermarket, ang Waltermart.

Bagay kay Marian dahil dalaga pa lang ito, talagang personal na naggo-grocery at nag-aasikaso talaga ng mga pangangailangan niya at ngayong may asawa at dalawang anak na, mas “wais na Misis” at “wais na Nanay” pa raw siya.

Bilang Misis, inamin ni Marian na sa kanilang mag-asawa, siya talaga ang taga-budget ng pera nila. Lalo na at siya rin talaga ang naggo-grocery.

At walang duda naman na parehong napakalakas kumita ng pera ng dalawa. Bukod sa showbiz, may mga kanya-kanyang negosyo pa sila.

At nang tanungin kung paano ang set-up nilang dalawa ni Dingdong sa pera, umamin si Marian na, “Gusto niyo ba ang totoo? Binibigay niya sa akin ang pera niya.

“Dyusko, baka ma-holdap ako!,” natawang biro pa niya.

“At saka, may listahan ako. Maarte talaga ‘ko. Nakasulat do’n ‘yung budget namin sa bahay, kuryente, tubig, helpers.”

Kyline may hamon sa mga ‘Sunflower’

Ikalawang araw na ngayon na showing ang pelikulang “Black Lipstick” na pinagbibidahan ni Kyline Alcantara. Nag-premiere night ito noong Martes sa Trinoma mall na dinaluhan ng buong cast at sinuportahan din ng iba pang mga Kapuso star tulad nina Rayver Cruz, Gabbi Garcia at Rocco Nacino.

Ang husay ni Kyline at buong cast. Napakalakas ng screen presence ni Manolo Pedrosa. At si Migo Adecer, magpapayat sana dahil in fairness sa kanya, may acting. Given na naman si Kate Valdez sa beauty at husay rin sa pag-arte.

Of course, it’s Kyline’s movie at hindi kayo bibiguin ni Kyline dahil consistent ito sa character niya mula umpisa hanggang wakas. Hindi rin siya mababaw lang na youth film, may mensahe ang pelikula lalo na sa mga millennial ngayon, bullying and even suicide.

Never itinago ni Kyline kung gaano siya kakabado sa first lead role niya sa movie na dinirek ni Julius Alfonso. Nabawasan o nadagdagan ba ang kabang nararamdaman niya?

“Nadagdagan! Hahaha! Hindi ko nga po alam kung ano ang nararamdaman ko but I’m really, really happy but at the same time, kinakabahan ako.

“Mas more nga po ang kaba kesa sa excitement.”

Masaya naman siya nang malaman niya na ang daming sumuporta sa kanyang Kapuso star.

“I’m really, really grateful to them dahil sobrang busy po nilang lahat, maraming-maraming salamat po.”

May tila hamon din si Kyline sa kanyang mga fan, ang Sunflowers, na present din sa premiere night.

Sey niya, “Maraming-maraming salamat, hindi niyo talaga ko binibigo. Patunayan natin kung ano tayong mga Sunflower.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *